"Hi! I'm Rouge Trafalgar." Masayang sabi ng isang babae sa harapan ko.
Napukaw niya kaagad ang reaction ko ng dahil sa kanyang pangalan. "Rouge Trafalgar?" Patanong kong sabi.
"Yup! Anne Rouge Aronzado Trafalgar." Aniya.
" Alena Sophia Agravante Garcia." Nakangiti ko din sabi.
" Transfer?" Tanong niya bago umupo sa aking tabi.
" Oo." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti lang siya. "Okay."
Magtatanong na sana ako pero narinig ko ang sigaw ng Professor namin. "Girls at the back!"
Liningon namin siya bago humagikgik. Matagal bago matapos ang aming klase. Kaya pagkatapos ng klase namin ay pagod na pagod ako.
"Gosh! Nakakapagod." Reklamo ko ng papunta kami ni Anne sa cafeteria.
"Ganyan talaga. Laging hectic ang mga schedule natin dito." Sabi niya.
"Hectic?" Nakakunot nuong tanong ko.
"Oo naman." Sabi niya. "Ang dami lagi namin ginagawa."
Napasinghap ako. "Paano na kaya ako? Tamad ako. "
Tumawa siya. "Ano ba naman iyan! Mabuti na lang ay masipag ako sa pag-aaral."
"Talaga?" Gulat kong tanong.
"Oo. Hindi nga lang ako matalino pero masigpag naman."
"Matalino ako pero tamad kaya baka pwede tayong magtulungan?" Tanong ko.
Napapalakpak siya sa offer ko. "Oo naman.Dahil ikaw din ang una kong kaibigan dito kaya magkakasundo tayo!"
Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Ako lang?"
Tumango lang siya at nagsimula ng magkwento sa kanyang karanasan sa paaralan na ito. Napangiwi nalang ako ng malaman ang lahat tungkol sa kanya. Nakaramdam ako ng awa ngunit alam kong hindi awa ang kailangan niya ngayon kung hindi kasama.
Nagsimula na din ako sa pagkukwento tungkol sa aking buhay kaya hindi na kami nakapasok sa mga susunod na subject baka sa huli ay naimpluwensyahan ko pa itong maging tamad.
"Kung ganoon pinsan mo yung may ari ng school?" Tanong niya.
" Parang ganun na nga. " Sagot ko habang nakakunot ang noo sulyap sa isang grupo ng lalaki.
Kanina pa siya tingin ng tingin, nakakailang. Pamilyar ang kanyang mukha dahil parang kilala ko na siya matagal na panahon na ang lumipas ngunit hindi ko alam kung saan at kailan.
" Si Diarmuid Smith 'yan. " Bulong ng katabi ko.
Napatingin naman ako." Ano naman ngayon?"
"Siya ang lider ng pinaka mataas na Guild dito." Sabi niya sabay sulyap sa mga lalaki. " May pinsan iyan, isang babae at limang lalaki."
" Smith?" Tanong ko ng ngayon lang pumasok sa aking isipan.
Tumango si Rouge. " Oo. Smith."
Tumango lang ako at inalala ang aking memorya sa mga taong naging parte na ng aking buhay.
"Azariel!" Saway ko ng bigla akong buhatin ng pinsan ko at biglang itinapon sa pool.
Kaagad kong naramdaman ang isang mahigpit na yakap sa aking baywang. "f**k,Azariel!" Saway ni Ariell sa kanyang kapatid.
"Azariel alam mo naman na hindi siya marunong lumangoy!" Si Leonelle naman.
"Naglalaro lang kami ano ba!" Natatawang sabi ni Azariel sabay talon sa pool at lumangoy palapit sa amin. "Sasagipin ko naman agad siya."
"Kahit na hindi pa rin magandang biro iyon!" Si Lucio naman habang naglalaro ng pool kasama si Giovanni.
"Sa tingin niyo ba kaya kong mawala ang magandang dilag na ito?" Sabi ni Azariel sabay halik sa aking nuo. "Syempre hindi!"
"Hi miss." Biglaang sabi ng isang lalaki sa gilid ko.
Napakurap ako ng magbalik ang isip ko sa kasalukuyan. "Hey." Wala sa pag iisip kong sabi.
"Can we sit?" Tanong naman ng isa.
Hindi ako sumagot at tumitig lang sa aking pagkain. I missed them.
"Of course!" Sagot ni Rouge at binalingan ako. "Ayos ka lang?"
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napaangat ang tingin ko ng maramdaman na nakatitig sa akin ang lalaki kaya hindi ko din maiwasan ang titigan siya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay ng hindi pa rin siya tumitigil sa pagtitig sa akin. Narinig ko ang ubo ni Rouge ngunit hindi ko pa din tinigilan ang paninitig sa lalaki.
Napangisi ako ng makitang pumula ang kanyang mukha at nagiwas ng tingin. "Cormac, let's go." Yaya niya sa kanyang katabi bago tumayo ay naglakad palayo.
"Okay!" Napatayo din ang lalaki bago naglahad ng kamay sa akin. "Cormac Smith, miss!" Nakangiti niyang sabi.
"Alena Garcia." Tango ko.
Tumango din siya at tinuro ang lalaking bumalik sa kanyang upuan kanina ilang mesa ang pagitan sa amin. "That's my cousin, Diarmuid Smith."
Tumango lang ako sa kanya at bumalik ulit sa pagkain. Halos gusto kong ibitin si Rouge ng hindi siya tumigil sa kakahampas sa aking braso.
"Ano ba?!" Irritado kong saway sa kanya.
"Nakita mo iyon?" Tanong niya. "Namula si Diarmuid!"
"Ano ngayon?" Tanong ko. "Wala akong pakialam! Hayaan mo muna akong kumain pwede ba?!"
Tumawa lang siya bago tumango at nagsimula din galawin ang kanyang pagkain. Naging madali lang ang araw na iyon sa amin dahil unang araw ko palang sa klase. Halos kumunot ang aking nuo ng makita yung lalaki kanina na nasa harapan ko habang nakatunganga sa library.
"Wala kang pasok?" Tanong niya at umupo sa aking harapan.
"Meron." Walang gana kong sagot.
"Kung ganoon anong ginagawa mo dito?"
"Nagpapahinga."
"Cutting classes,huh?" Tanong niya ulit.
"Oo."
"Ang cold mo naman." Natatawa niyang sabi. "Pati ang mga mata mo kapag tumitingin sa mga tao sobrang lamig."
Kumunot ang nuo ko sa kanyang sinabi. "Anong gusto mong gawin ko?"
Umiling siya. "Wala lang."
" Okay." Sagot ko.
Ngumuso siya sa akin. " Ang cold mo talaga! May kaya kaya akong gawin para hindi ka maging cold?"
" Tss… tumahimik ka nga." Saway ko.
" Heto naman! Nakikipagkaibigan lang eh." Nakangiti niyang sabi.
" Ano bang gusto mo sa akin?"
" Friendship!" Tawa niya. " Gusto kitang maging kaibigan."
Umirap ako sa kanya. " Kung iyan lang ang gusto mo ay kaya ko naman iyang ibigay kaya manahimik ka muna okay?"
" Hmmm… we're friends now?" Tanong niya ulit.
Dumaing ako sa kanya. " Oo na."
" Hmm… so I can fetch you everyday!" Masaya niyang sabi. "We can have a dinner too."
"Huh?" Nagtataka akong nagangat ng tingin sa kanya. "Anong dinner?"
Tumawa siya sa reaction ko. "Magkaibigan naman tayo kaya pwede na kitang sunduin at pwede na rin tayong mag dinner or mag lunch together right?"
Tumango lang ako at natulala ulit dahil na rin siguro sa kakaisip sa mga baliw kong pinsan.
"Talaga bang lilipat ka?" Tanong ni Lucio.
Tumango ako. "Oo nga!"
"Eh? Bakit kung kailan second year college ka pa lilipat?" Si Ariell naman.
"Hindi ka ba masaya dito?" Tanong ni Leonelle.
"Masaya!" Sagot ko. "Pero kailangan ko din ng bagong environment!"
Tumango lang sila at alam kong labag sa kanila ang aking pag alis. Si Azariel lang ang may lakas ng loob na ihatid ako papuntang maynila dahil sinabi nila Ariell na hindi nila kakayanin na mawala ako sa panig nila.Pabor din naman sa akin iyon dahil baka hindi ko kayang umalis kapag kasama ko sila.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Tanong niya bago kami pumasok ng NLEX.
Tumango ako. "Yup. Huwag kayong mag-alala kasama ko naman si Gian doon."
Tumango lang siya bago niya iniabot sa akin ang isang IPad. "Here baka naiinip ka."
Kinuha ko agad ang IPad at agad na nagplay ng song.
"Sometimes late at night
I lie awake and watch her sleeping
She's lost in peaceful dreams
So I turn out the lights and lay there in the dark
And the thought crosses my mind
If I never wake in the morning
Would she ever doubt the way I feel
About her in my heart
If tomorrow never comes
Will she know how much I loved her
Did I try in every way to show her every
day
That she's my only one
And if my time on earth were through
And she must face this world without me
Is the love I gave her in the past
Gonna be enough to last
If tomorrow never comes
'Cause I've lost love ones in my life
Who never knew how much I loved them
Now I live with the regret
That my true feelings for them never were revealed
So I made a promise to myself
To say each day how much she means to me
And avoid that circumstance
Where there's no second chance to tell her how I feel."
Natawa ako ng sinabayan ako sa pagkanta ni Azariel kaya parang naging madali lang ang byahe namin papunta sa manila.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko.
Inirapan ko lang siya bago tinalikuran at nagmamadaling maglakad palabas ng library dahil kahit anong oras ay alam kong mahuhulog ang mga luha sa aking mata. Mga luhang laging tumutulo kapag may ala-ala akong naalala sa aking nakaraan na halos malabo.