Aria POV; Aria, di ko na nakikita si Sir dito sa resort, medyo matagal na. Tingin mo andito pa sya? Tanong ni Kim, while busy kami sa pag arrange ng lugar para sa event mamayang gabi. Di ko alam, siguro umuwi na. Last time kaming nag usap sabi nya didestansya sya sakin. Huh anong ibig mong sabihin? Nag usap kami more than a week ago. Pinarangka ko sya kasi pilit nya akong hinahabol at palaging sinusundan. Nagtataka bakit ko sya iniiwasan. Sinabi ko ang totoo, at tinanong kung ano ba talaga ang tingin nya sakin, kasi na gi-guilty ako sa mga kasama natin na natanggal, baka may basihan yong speculation nila. Tapos anong response ni Sir? interesadong tanong ni Kim. Inamin nya na may gusto talaga sya sakin, na mahal nya ako pero wala syang balak manligaw kasi committed syang tao, ang gust

