CHAPTER 19

1624 Words
NAGTAKA si Mikael nang mapagbuksan niya ng pinto ang Ate Mavielyn niya. Today was the weekend, and he planned to rest since Leigh wasn't here. Nagpaalam ito na bibisitahin daw nito ang anak nito. Actually, absent ito kahapon. Pinayagan niya itong magliban sa trabaho dahil alam niyang namimiss ni Leigh ang anak nito. Sa totoo lang, gusto niya ring makilala ang anak ni Leigh pero nahihiya naman siyang magsabi sa dalaga lalo pa at wala naman siyang karapatang humiling rito ng bagay na 'yon. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" Nagtatakang tanong niya. Kaagad na pumasok ang kapatid niya sa loob ng flat niya at umupo sa sofa. "Get ready." "Huh?" Nagtaka si Mikael. "Bakit?" "Magsa-shopping ako. Accompany me." Mikael blew a loud breath. "Ate, balak kong magpahinga ngayon." Tumaas ang kilay ni Mavielyn. "Magpapahinga ka ba talaga o sadyang magpapahinga ka lang dahil wala si Leigh?" Napakamot si Mikael ng batok. Napailing na lamang si Mavielyn. "Sige na, Mikael. Samahan mo ako." Nagpaawa effect na siya rito baka sakaling maawa ito sa kaniya at samahan siya nito. "What about Uncle Marius?" Mikael asked. Sa pagkakaalam niya ay si Uncle Marius niya at Ate Mavielyn niya ang magkasundo tuwing magsa-shopping ang mga ito. Mavielyn rolled her eyes. "Busy siya sa lovelife niya." Mikael clicked his tongue. "Work you mean." Napalabi si Mavielyn. "Sige na, Mikael. Samahan mo na ako. Please." If there is one thing that Mikael couldn't refuse... That was saying no to his siblings. Laging oo agad ang sagot niya sa mga ito. "Magpapalit lang ako ng damit, Ate." Ani Mikael. Kaagad namang lumiwanag ang mukha ni Mavielyn. "Great! I'll buy new attire later." She promised. Mikael just nodded and entered his room to change his clothes. Pagkatapos niyang magpalit ay umalis na sila ng Ate Mavielyn niya. Sa totoo lang ay walang hilig si Mikael sa pagsa-shopping. Tanging sinasamahan niya lang minsan ang ina at kapatid niyang babae kapag lumalabas ang mga ito lalo na kapag hindi kasama ang kanilang ama. Ilang boutique ang nadaanan nila at ilang shopping bags na rin ang hawak niya nang tumawag sa kaniya si Odysseus. Mavielyn was in the fitting room at that time when Odysseus called. Sinagot niya ang tawag ng kaibigan dahil sa pag-aakalang importante ang dahilan kung bakit ito tumawag. "Yes?" "Kasama mo ba si Mavielyn?" Odysseus asked. Nagtaka pa si Mikael kung bakit tinatanong ni Odysseus ang Ate Mavielyn niya pero sinagot niya pa rin ang tanong ng kaibigan. "Yeah, she's with me." "Good." "Bakit? May problema ba?" Tanong ni Mikael. "Wala naman. Mavielyn wasn't answering my calls. Pero ikaw naman pala ang kasama niya. Makakahinga na ako ng maluwang." Saad ni Odysseus. Tumaas ang isang kilay ni Mikael pero bago pa siya makapagsalita ay pinatay na ni Odysseus ang tawag. "Ate, tumawag si Odysseus. Tinatanong ka niya." Turan niya nang makalabas si Mavielyn mula sa fitting room. Umikot ang mata ni Mavielyn. "Wala akong pakialam sa kaniya." Napailing na lang si Mikael at hinayaan ang Ate niya. Siguradong may problema ito at ni Odysseus. Ayaw naman niyang makialam. Bahala silang umayos sa kanilang problema. May sarili rin siyang problema. Pagkatapos nila sa boutique na 'yon ay lumabas na sila. Habang naglalakad sila sa malawak na hallway ng mall at tinitignan ang mga dinadaanan nila, biglang napatigil si Mavielyn sa paglalakad kaya pati si Mikael ay napatigil rin. "Bakit, Ate?" "Si Leigh ba 'yon?" Nagtatakang turan ni Mavielyn habanag nakatingin sa isang babae na nasa loob ng restuarant. Sinundan naman ito ni Mikael ng tingin pagkarinig ng pangalan ni Leigh. Napagtanto nga niya na si Leigh 'yon pero ang pinagtaka niya ay bakit kasama ng dalaga si Dylan. Meanwhile, Mavielyn looked at her nephew-brother. She saw Mikael’s expression. “Jealous?” Umiling si Mikael taliwas sa tunay niyang nararamdaman. “No.” Mavielyn smiled teasingly. “Don’t deny it. Halata naman sa hitsura mo. Before, I was wondering who the woman you are fancying. She must be a beautiful woman. I was right. Bago ka maunahan ng iba, gumawa ka na ng paraan upang magkalapit kayong dalawa.” Kumuyom naman ang kamay ni Mikael saka pinagmasdan si Leigh at Dylan. Halatang magkakilala ang dalawa at komportable rito si Leigh dahil ngumingiti si Leigh. Mikael's face darkened with jealousy. I thought she was with her son. Before he could walk towards Leigh and Dylan, Mavielyn pulled him away from that place. "Oh, ayan. Malamig na tubig. Uminom ka muna para lumamig ang ulo mo." Sabi ni Mavielyn. Dinala niya si Mikael sa isang fast food. Mikael clicked his tongue. Madilim pa rin ang mukha nito. Napailing na lamang si Mavielyn. "Relax, Mikael. Baka may importanteng pinag-uusapan lang sila." But Mikael's mind was filled with questions. Sa nakikita niya kasi ay parang close si Dylan at Leigh. Wala namang nababanggit sa kaniya si Leigh ni tungkol kay Dylan. Nawalan ng gana si Mikael sa araw na 'yon. Hinayaan naman ni Mavielyn si Mikael. Umuwi na lamang sila. At nagkulong si Mikael sa flat nito. Iniisip niya kung tatawagan ba niya si Leigh o hindi. What if...? But why are Leigh and Dylan talking together? Sa totoo lang, nang makita niya kanina si Leigh at Dylan na nag-uusap. Nakaramdam siya ng selos. But on the other hand, wala siyang karapatan na pagbawalan si Leigh na huwag makipag-usap sa ibang lalaki dahil sa nagseselos siya. Walang label ang kanilang relasyon. Yes, they kissed and hugged each other. They even make out sometimes, but that's it. There is no label. At minsan talagang nakakaramdam siya ng frustrasyon dahil wala siyang karapatan na magselos. Mabilis na napabalikwas si Mikael mula sa pagkakahiga sa sofa nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kabilang flat. That meant Leigh was home. Tinignan ni Mikael ang oras. It's already eight in the evening. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero hindi niya talaga maiwasan. Alam naman niyang hindi ganoong klaseng babae si Leigh. Kumatok si Mikael sa pinto ng apartment ni Leigh. Nang buksan ng dalaga ang pinto, nakita niya ang pagod nitong hitsura. Pero gusto niyang maliwanagan. "Why are you with Dylan?" Seryosong tanong ni Mikael. Nagtaka naman si Leigh kung paano nalaman ni Mikael na kasama niya si Dylan pero sinagot niya pa rin ang tanong nito. "Business." "What business?" Mikael asked again. Leigh was tired. And she easily gets moody. Nainis siya kay Mikael. "Mikael, please, don't ask. Pagod ako. Gusto ko ng magpahinga, okay?!" Tumaas dito ang boses niya. "Leigh, nagpaalam ka na titignan mo ang anak mo. Pero nakita kita na kasama si Dylan. Anong ibig sabihin no'n?" Seryosong tanong ni Mikael na kalmado pa rin ang boses niya. Pagod na huminga ng malalim si Leigh. "Let me explain tomorrow. Pagod talaga ako ngayon, Mikael." Aniya. "Leigh—" "Please, Mikael!" Tumaas ang boses ni Leigh na ikinatigil ni Mikael. Napatitig si Mikael kay Leigh saka siya tumango. "I'm sorry for asking. Wala nga pala akong karapatan." Then he left. Leigh instantly felt guilty. Nakita niya kasi na nasaktan si Mikael. Pero bago niya mahabol si Mikael, nakapasok na ito sa sarili nitong flat. Malalim na napabuntong hininga si Leigh saka isinara ang pinto ng kaniyang apartment. Gusto niyang magpahinga. Bukas na lang niya susuyuin si Mikael dahil wala talaga siyang lakas ngayon. WHEN morning came, Mikael woke up when he heard noises from the kitchen. Mabilis siyang nagtungo doon dahil akala niya ay may magnanakaw pero natigilan siya ng makita niya si Leigh na nagluluto. Lumingon sa kaniya ang dalaga at nginitian siya. "Good morning." She greeted. Napatitig si Mikael kay Leigh. “Mikael?” Napakurap si Mikael. “Ano ‘yon?” tanong niya. Leigh smiled and handed him a cup of coffee. “Ahmm, sorry about last night.” She apologized. “I was just tired. Pasensiya na kung napagtaasan kita ng boses.” Hindi siya makatingin kay Mikael ng deretso. “Sorry also.” Ani Mikael kaya napatingin sa kaniya si Leigh. “Sorry because I knew that we have our own privacy. It’s just that when I saw you with Dylan yesterday, I got jealous. Hindi kasi ako sanay na nakikita kang ngumingiti sa ibang tao lalo na sa mga lalaki. I want your smile all alone. So, I’m sorry. Alam kong wala akong karapatan na magselos dahil hindi naman tayo magboyfriend at girlfriend. We don’t have a label. But I just want you to know that whatever happens hindi kita susukuan o ibibigay sa iba.” Seryoso niyang saad. Leigh inwardly smiles. Sa tono kasi ng boses ni Mikael parang binabakuran na siya nito. Ay hindi lang para ‘parang’ dahil talagang nakikita niya ang selos sa mukha nito. It’s her fault dahil hindi siya nagpaalam. About what he saw yesterday, nagkataon lang na nagkalamesa sila ni Dylan at nag-usap tungkol sa isang confidential na bagay. “I…” Mabilis na pinigilan ni Mikael si Leigh sa pamamagitan ng paglagay niya ng hintuturo niya sa labi ni Leigh. “May tiwala ako sa ‘yo. Ahmm, kalimutan na lang natin.” “Wala kaming ginawa ni Dylan.” Paglilinaw ni Leigh. “Nag-usap lang kami kahapon.” Tumango si Mikael. “Let’s just forget about it.” “Sure?” Paninigurong tanong ni Leigh. Mikael just smiled and kissed her on the lips. “Good morning.” Aniya saka humigop ng kape. Leigh went back to cooking while Mikael texted Dylan. ‘Layuan mo si Leigh.’ Meanwhile, Dylan, who received Mikael’s message, laughed and chatted on their group chat. He took a screenshot of Mikael’s message and sent it to their group chat. Nakatanggap tuloy si Mikael ng mga pang-aasar at hindi siya tinigilan ng mga kaibigan niya. Mikael promised that he would strangle Dylan when he saw him next time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD