Dinala niya ako sa may cubicle na malapit sa sinehan, kung saan ay may ilan-ilang nakatambay na mga tao. Pinagmasdan ko siya at katulad kanina ay walang emosyon ang mukha niya. "Lithian, ano bang ginagawa mo, hah?" Napangisi siya. "E, ano pa bang ipinamumukha mo sa'kin? Na magseselos ako? Fvck, Vince." Napailing ako. Bakit iba ang sinasabi niya sa reaksyon na nakita ko sa mukha niya kanina? Hinarap ko siya at sinubukang kausapin nang mahinahon. "Alam mo, hindi ko alam kung anong pinoproblema mo, e. Pero, what if gawin ko nga 'yon? Wala naman sigurong masama, 'di ba? Dahil hindi ka naman magiging affected, isa pa, matagal na kayong wala." Natigilan siya at nang makakuha ng tsempo ay kaagad niya akong pinagsusuntok sa may labi. Dumugo kaagad ito at pinunasan ko na lang agad ang maliit na

