Stephen Mabilis kumalat sa buong campus ang break up namin ni Morisette. Ewan ko ba kung bakit bigla ko siyang naisipan iwan, but I guess, tama na rin 'yon para hindi na madagdagan pa ang kalokohan ko sa kaniya. Ayoko na siyang saktan pa. Hindi na muna ako pumasok ngayon para iwas tsismis sa school. Ang daming pakialamero't pakialamera, e. Pasaway din 'yung kakambal ko na si Vincent, tinutukso pa ako na balikan si Morisette. Pero para saan pa? Hiyang-hiya na nga ako sa ginawa ko, e. Paano ba naman.. hanggang ngayon ay konsensya ko pa rin 'yung nangyari no'ng Intramurals Day. After ng game namin ay dumiretso ako sa may dressing room para magpalit ng damit. Pawis na pawis na kasi ako. Pero naagaw ang atensyon ko nang muli kong makita 'yung babaeng nakilala ko sa bar. At hindi ko pa siya

