PROLOGUE

2891 Words
"Kinabahan ka ba?" Rinig 'kong tanong ng isa. "Hindi ah." He chuckled. "Mas nakakakaba ang tingin ni Sir." Then they both laughed. Normal lang ang buhay ang meron ako ngayon. I lost my parents few years ago.. I am alone but get used to it. Everything seems perfect and in all condition. Mula dito ay sa hallway ay nakikita 'ko si Sir Espinoza. Ang tinutukoy ng mga estudyanteng ito. Tsk. Totoo naman. Nakakakaba ang ka-gwapuhan ng aking guro. He leaned on his desk while staring at people who is still taking their tests. He's physique is very dangerous. He's full of mysterious and seem very untouchable—na talagang totoo naman. Nang magsalubong ang tingin namin ay lalo lang ako nahalina na tignan si Sir. .. His forehead knotted. I jumped when I realize he's looking back at me! Dumagundong ang puso 'ko dahil sa kaba! Nahuli na naman ako! Ano na naman ang mukhang maihaharap 'ko kay Sir! Lagi akong nahuhuling nakatitig! "Behati!" Tawag sa'kin ng kaibigan 'kong si Georgia. Napangiti naman ako at kinawayan siya. Sa wakas, natapos na siya! Kasalukuyan kaming nage-exam ngayon para sa major subject, at ang tapos ay maaring lumabas. "Teh, ano sagot mo sa doon sa likod?" Tanong niya sa'kin. My forehead knotted immediately. "Teh? Anong likod?!" I panic. Wala akong nasagutan na likod! At isa pa, tinititigan 'ko si Sir! I am sure sir is thinking something nasty to me! I hope not! Lagi kami nagkakatitigan 'eh! Tinignan niya ako, natawa. "Gago ka, may nasa likod, Behati! Lagot ka kay Sir Espinoza! Ikaw pa naman unang-una natapos! Twenty points 'yon!" Hindi 'ko alam kung bakit tuwang-tuwa siya! Babagsak na nga ako 'eh! Baliw talaga 'tong si Georgia! Nanlaki ang mga mata 'ko at kinabahan! Twenty points?! Pwede pa kaya pumunta doon at pakiusapan si Sir?! Lagot na naman ako! Bahala na kailangan 'ko iyon balikan! "Bakla!" Dumating ang isa 'kong kaibigan na si Bryson, "Ang hot ni sir!" Tili niya! Napasimangot ako. Tuwang-tuwa silang lahat! Samantalang ako? May kulang ako sa test! Ganon lang ang problema 'ko sa buhay. Stress sa school at araw-araw sa mga surprise quiz. Katulad ng kay Sir Espinoza. "Sir!" Lumapit ako dito. His forehead knotted. Nakita 'kong may iba pang nagq-quiz. Nginitian 'ko si Sir. This teacher has a godly features. He's indeed a beauty. Iba ang dala nitong aura sa'min. ..everyone is so obsess with him. I am also obsess with him. .. Sino ba namang hindi? "Yes, Aragon?" Nagising ako sa iniisip ng tawagin niya ako. Saglit akong natawa, "Sir di ko po ata nasagutan yung nasa likod?" I smiled. Nagsalubong ang kilay nito kaya't kinabahan ako. "Hindi mo alam, Aragon? Hindi ka ba nakikinig?" Ito ang pangit kay Sir. He's not considerate or whatever. He's aloof and very maldito. Napangiwi ako. "Hindi, Ms. Aragon. Lumabas ka na dahil kanina ka pa tapos." "Pero Sir—" Lumakas lalo ang t***k ng puso 'ko. Hindi 'ko alam kung dahil sa kaba ito, or dahil sakanya? Iyon ang napansin 'ko simula nong dumating si Sir bilang adviser namin. Lagi akong nagpa-palpitate. I thought I have a crush on him. ..ngunit. ..tinanggi 'ko na iyon. Dahil hindi normal ang t***k ng puso 'ko. Iyon lang 'yon. It's just a coincidence na lagi malakas ang t***k ng puso 'ko. .. Lalo na't pag nandiyan siya. "Aragon, get out." Matalim na sambit nito. "Okay po." Muli akong napatitig sakanyang mukha. Nagulat ako ng bigla niyang lingunin. His forehead knotted. I glance at it for once before going. Hindi 'ko alam kung bakit ako umasa na pagbibigyan niya ako. Ganon lang ang buhay 'ko. Umiikot sa eskwelahan at dorm. I am alone and contented. Kung may hihilingin man ako ngayon ay ang buhay ng aking mga magulang 'yon. .. I just go to school then sleep. .. Hindi 'ko alam na ang normal na buhay 'ko ay mapapalitan dahil. ..sakanya. Pero napalitan ang buhay na 'yon. Hindi 'ko alam. ..pero dahil sa iisang tao 'yon. It all started just like this. .. “Behati!” Nilagabog ni Aling Pising ang pintuan ‘ko. “Behati!” Gigil na gigil! Tamad na bumangon ako at binuksan ang pintuan. Bumungad sa'kin ang galit na galit na si Aling Pising. Napangiwi naman ito at akmang hahambalusin ako ng hawak niyang pipino. Umiwas agad ako! Ang aga-aga naman manermon ni Aling Pising! Kakagising ‘ko lang, bungad sa’kin palo agad?! What a day! “Aling Pising!” Reklamo ‘ko. Pwede bang bumale ngayon na wag muna? Nakakatamad bumangon. Plus, anong oras na akong natulog! “Ano na? Ikaw ang assigned ngayon! Kung hindi ka pa uutusan, hindi pa kikilos! Talaga naman!” Sigaw niya at naglakad palayo. Napangiwi naman ako. Aga mambulabog! Narinig ‘ko pang may sinasabi ito habang papalayo pero hindi ‘ko na narinig. I shook my head and smiled a little. Si Aling Pising talaga! Ang malas 'ko talaga! Nasaktuhan pa na may project kami kagabi kaya't puyat ako! Napabuntong-hininga na lang ako at inumpisahang kumilos. Wala naman akong choice. "Sa wakas naman, bumaba ka na! Kilos!" Si Aling Pising. Magsasalita pa lang sana ako pero pinandilatan niya lang ako, "At huwag ka ng magpapalusot!" Napanguso ako. Inutusan ako ni Aling Pising na kumilos sa kusina para magluto. Mag-aalas kwatro pa lang ng umaga jusme. I really hate doing this! Kahit labag sa loob ‘ko ang kumilos, wala na akong magagawa. Ako ang assigned na magluto at kumilos sa dorm ngayon. “Oh, Behati!” Tumatawa si Marielle. Nang-aasar. “Ganda ng araw ngayon, mukha ‘kang pinagsakluban ng langit at lupa?” She laughed. Siguro ay obvious ngayon sa mukha ‘ko na hindi maganda ang pagkakagising sa’kin ni Aling Pising. Kainis ‘to si Marielle! Makakatikim din siya ng asar sa’kin pag siya na ang ginising ng napaka-aga. “Wala pa ngang alas-kwatro, kinalampag na yung pinto ‘ko!” Habang nasa hapag ay tinutusok ‘ko ang hotdog. Inaantok pa ako. Ang dami ‘ko kasing ginawa kagabi! Alam ‘ko naman na ako ang assigned ngayon para kumilos—pero kahit na! Ang daya! Sobrang aga! “Nako, ba’t naman ginanon ang bunso?” Wika ni Zyra. “Mali ‘yon Aling Pising!” Gatong ni Zy sa pang-aasar. “Hoy, magsi-kain na nga kayo diyan!” Suway ni Aling Pising. Napasimangot naman ako at sila Marielle ay natawa. Palibhasa ay gumaganti sila. Sa susunod talaga, sila ang tatawanan ‘ko ng ganyan. Akala nila ha? Pagkatapos ng gawain ay agad akong naligo para mag-ready na papasok ng school. Nakakatamad. Parang sobrang bigat ng paa ‘ko dahil labag sa loob ‘ko ang pinaggagawa ‘ko! I sighed. Konti na lang, g-graduate na ako ng grade twelve. Tiis-tiis na lang. Nang matapos ang gawain ay didiretso na sana ako papuntang school. Pero bago pa nga makaalis ng tuluyan ay hinarang na ako ni Aling Pising sa daan. I raised my hand then wave at her, “Aling Pising!” I smiled playfully. “Ang bayad, Behati.” Nawala ang ngiti ‘ko sa sinabi nito. “Oo, naiintindihan ‘ko na wala ‘ka ng magulang, anak. Pero isang taon ka ng hindi nagbabayad ng kwarto mo anak. ..” Muli nitong paalala sa bagay na nalimutan ‘ko na. Napalunok ako at bumigat ang pakiramdam sa paalala niya. Nakahawak sa gate si Aling Pising. Tila nahihiya ‘rin magsabi ng katotohanan. Pero wala akong magagawa. ..Nakakahiya naman talaga hindi magbayad ng upa. ..pero nahihirapan talaga ako. Buti nga ay may konsiderasyon si Aling Pising sa’kin. “Bata ka pa, Behati. Kaya ayoko sana sabihin sa’yo ‘to. Hinayaan na kita ng isang taon—” Hinawakan ‘ko ang kamay ni Aling Pising. Napatigil ito. “Maraming salamat po, Aling Pising. Hindi ‘ko kakalimutan ang kabaitang ginawa niyo. Ga-graduate na po ako. Pag nakapatapos ako, hindi na ako tutuloy sa college. ..Maghahanap buhay na po ako. ..” “Pasensya na talaga, Behati.” Iling ng matanda. Ngumiti lang ako. So she shouldn’t feel sorry. Habang naglalakad papasok, lalong bumigat ang dibdib ‘ko dahil sa problema. Oo nga, masungit at bungangera si Aling Pising. Pero lahat kaming umuupa sa apartment ay hindi niya pinabayaan. May bayad man o wala. Ako ang may pinakamabigat na utang kay Aling Pising. Nang mamatay ang magulang ‘ko dalawang taon na ang nakalipas, hinayaan niya ako sa puder niya. Hinulugan naman nila Mommy ng advance one year ‘yon. Pero ngayon? Wala na akong pang-bayad. Lumipat pa ako sa public school. Ibang-iba ang buhay ‘ko noon, kaysa ngayon. Mahirap sa una, pero tinanggap ‘ko na lang. Isa rin sa bagay na mahirap lunukin—ay hindi ako makakapag-kolehiyo. When I was in high school, my parents wanted to enroll me in a medicine school. At wala akong problema doon. They’re motivating me. Supporting me. Umasa ako na makakapag-kolehiyo ako—pero ngayon? Malabong-malabo. It shatters my heart. I want to go in school. ..badly. Pero hindi ‘ko kaya suportahan ang sarili. Kailangan ‘ko ng kumayod dahil ako na lang mag-isa. Iyong pangarap ‘ko para sa sarili ay wala na. Wala munang pangarap-pangarap. I need to survive. Habang naglalakad sa daan ay may humila sa braso ‘ko. Napasubsob ako sa mabangong dibdib ng lalaki. His chest are hard and wide. I wanted to rest there because of the sweet seductive scent—pero agad akong inilayo ng may hawak sa'kin. Gusto ‘ko sana mag-reklamo. “Ms. Aragon.” s**t. Si Sir?! Ulit?! Nanlaki ang mata ‘ko ng makita si Sir. Sobrang kapal ng kilay nito na magkasalubong ngayon. Suot nito ang salamin niya sa mata na sumasandal sa matangos nitong ilong. His eyes is dark and very dominant. Napakasungit kung tumingin. Ang panga nito ay masarap pasadahan ng daliri dahil kitang-kita. Napanganga ako dahil sa angkin nitong ka-gwapuhan. He’s jaw clenched. Anong skin care mo, Sir? His cheeks are naturally red. Dahil maputi ito ay lalong umaangat. His lips is red and pouty, surprisingly for a man. I licked my lips. “Ms. Aragon!” He hissed. Lalong kumunot ang noo nito. Nanlaki ang mata ‘ko sa sigaw niya at nagising. Napatuwid ako ng tayo. I smiled shyly, “S-Sir!” “Ms. Aragon!” He said in a very sexy way. “Bakit wala ka sa sarili pag naglalakad? Gusto mo bang masagasaan?” He grunted irritably. Nakakunot ang noo nito. Unti-unti nawala ang ngiti ‘ko habang nagsasalita ito. Masagasaan? Muntikan na naman ako masagasaan? Napasapo ako sa aking isipan. Noong kailan lang pala ay si Sir ‘din ang sumagip sa’kin. Baka akalain na niya na nagpapapansin ako! Nginitian ‘ko si Sir, “Sorry po.” I lower my head. Nakakahiya ka talaga Behati! “Ms. Aragon, nandito ka na sa gilid ng eskwelahan. Tumingin ka sa dinadaanan mo.” He warned while shaking his head. “Sagot ka pa ng eskwelahan.” Aniya. “Sorry po.” Iyon na lang ang nasabi ‘ko. Naramdaman ‘ko pa ang matalim nitong titig sa’kin. Noong tinalikuran na ako nito ay doon ako nakahinga ng maluwag! Napahawak ako sa’king dibdib at gusto tumili sa kilig! Ang pogi ni Sir Espinoza! Iba yung dala niyang ka-gwapuhan! He’s beauty seems very new to me and fresh! My heart raced. Argh. May problema talaga ako sa puso! “Bakla!” Matinis na sigaw ni Georgia. Napalingon ako sakanya, “Gaga ka eksena ka na naman kay Sir Espinoza!” Himapas-hampas pa ako nito kaya napangiwi ako. Natigilan ako bigla. Eksena? Malisyosa akong tinignan ni Georgia, “Lagi ka na lang nat-tyempuhan ni Sir na nahahagip ng sasakyan! Landi mo sa dibdib ka talaga sumandal ngayon!” Nagsisigaw si Georgia. Napangiwi ako at napatulala. Naalala ‘ko ang nangyari kanina. Pero kumunot ang noo ‘ko. What’s so special about Mr. Espinoza? Pero tama siya. ..Lagi akong nililigtas ni Sir Espinoza. .. Lagi niya akong nasasaktuhan. “Ang pogi ba ni Mr. Espinoza pag malapitan?” Niyakap ni Geogia ang braso ‘ko at hinila. “Titig na titig ka kanina!” She squinted. I slightly smiled. “Pogi ‘no?” Pangungulit pa nito. Pogi? Muli ‘kong binalik ang nangyari kanina. Hindi ‘ko maalala ang mukha ni Sir Espinoza. Oo pogi siya? Hindi ‘ko maalala. Sinubukan ‘kong alalahanin ang mukha ni Sir, pero hindi ‘ko talaga makuha. Like it’s there. Nasa dulo na ng dila kumbaga. Pero hindi ‘ko mahugot. Ang alam ‘ko lang, sobrang gwapo nito. Paano ito naging guwapo? “Behati!” Hinila ako ni Georgia. “Okay ka lang? Bakit ba parang wala ka talaga sa sarili?” Usisa niya at pinanliitan ako ng mata. Ngumiti ako sakanya. Oo nga pala. Ang utang ‘ko kay Aling Pising at ang ideya na hindi ako makakapag-aral para sa kolehiyo. “Wala.” Tanggi ‘ko na lang. Wala naman silang matutulong. Ayoko makakuha ng awa. Tama na ang awa na nakukuha ‘ko sa dorm. Pero isa pa sa inaalala ‘ko ay ang mukha ng aking guro. Si Sir Espinoza. He’s our adviser and subject teacher. Kaya dapat ay kabisado ‘ko na ang mukha nito! Pero hindi eh! Hindi ‘ko maalala ang eksaktong katangian nito. Na para bang nabubura ang mukha nito sa isip ‘ko. And when I see him in front of me—I am in awe. Nakakalimutan ‘ko na sabihin ito kay Sir. Minsan ay natatakot ako dahil baka face blinded pala ako? Ano ‘yon, face blinded lang kay Sir? Exclusive? Naiinis ako. Bakit hindi ‘ko matandaan ang itsura ni Sir? Bakit hindi ‘ko rin maalala na dapat itanong ‘ko kay Sir kung bakit nakakalimutan ‘ko ang mukha niya? Even though that’s a weird question—gusto ‘ko ng itanong. “Hoy!” Si Bryson. “Bakla ka!” Tili nito. Gusto ‘ko tumakbo dahil parang dadambahin ako ni Bry. Pero nandito kami sa hallway, ayoko naman maglaro ng habul-habulan! Napalingon ako kay Georgia ng hawakan ako nito ng mahigpit. Sumunod namang nagtititili si Georgia at mukhang susuportahan ang pang-aasar ni Bry. “Baklang ‘to! Ano ‘tong niyakap mo si Sir?! Ang landi mo!” He said jokingly. “Hinila ako ni Sir. ..” Umpisa ‘ko. Lumaki naman ang mata nilang dalawa. “Chaka mo, planado yern? b***h ka talaga!” Tawa pa ni bakla. “Papasagasa ‘din ako tuwing papasok ng school.” Bungisngis niya. Sinimangutan ‘ko sila. Minsan talaga ang sarap nilang hampasin! “Tigilan niyo nga ako.” Nilapag ‘ko ang bag sa silya. “Ang ingay niyo. First subject natin ‘yon. May assignment ba kayo?” I tried to change the topic. “Tsk!” Bryson. Labag sa loob nitong umupo at tinignan ako. “Kill joy, sis. Ano nga? May affair kayo ni Sir?” Bryson insist. Napahinto ako at tinignan ng sobrang sama ang haliparot na si Bryson. Ang dumi-dumi ng isip! “Affair? Gusto mo mawalan ng guwapong professor?” Singit ni Georgia at tumawa. “Sabagay, si Behati naman. Why not?” Bawi ‘din nito. Napasimangot ako. Hindi ‘ko na talaga alam kung saan nila nakukuha ang pinagsasasabi. Minsan ay nakakahiya ang lumalabas sa bibig nila—pero nakakatawa rin ang pagiging loko-loko ng mga ‘to. “True sis. Mukhang si Behati lang ang katapat ni Sir.” Si Bryson. “Ang sungit ni Sir! Untouchable, alam niyo ‘yan!” Aniya. “Tigilan niyo nga ako. Hindi ako interesado ‘don.” Sumandal ako sa upuan at hinintay ang time. Malapit na ang first subject namin. Si Sir Espinoza iyon. Sure, lahat ay gusto ng chance kay Sir. Guwapo si sir at mysterious type—sino ba naman hindi magiging interesado o kikiligin sakanya? But I have a weird feeling for sir. He seems darker than he is. .. Kailangan ‘ko tandaan ang mukha ni Sir. Tandaan mo, Behati. At tandaan mo rin na kailangan mo matandaan lahat ng pinagsasasabi mo. I noted that to myself. Sinulat ‘ko pa sa notebook. “Hindi interested? Hoy Behati, balita namin halos tumulo ang laway mo pag nakatingin kay Sir!” Ani Bryson. “Akala mo first time nakita.” He remarked. Napahinto ako doon. First time makita. .. “Alam lahat ng girls dito Behati na ikaw ang number one karibal nila kay Sir.” Tumawa si Georgia. “Ikaw ba naman kasi ang nagpapasagasa para mapansin!” Napasimangot ako lalo. Wala akong maalala na ganon. Marami lang akong iniisip kaya nahahagip ako ng sasakyan. At nat-tyempuhan iyon ni Sir. Ang alam ‘ko lang, guwapo raw ito. Exaggerated nga ang pagkaka-describe nila kay Sir. Parang diyos daw ng ka-gwapuhan. Hindi mo raw makakalimutan ang mukha sa sobrang gwapo. Bakit ako, nakakalimutan ‘ko? What’s the problem with me? Why can’t I remember his face? At sa tuwing lumilipas ang oras, nakakalimutan ‘ko na may ganitong pangyayari. Na may kakaiba. .. Hinayaan ‘ko na lang noong una. Busy ako at akala ‘ko ay stress ito. Pero nagtataka na ako ngayon. Nagulat ako ng tumahimik sila Georgia at Bryson. Nandon na pala si Sir sa harap. Napatigil ako bigla. Napatitig ako sa mukha nito. He’s face is unbelievable. Napaka-gwapo nito. Talaga bang may ganitong. ..nag-eexist? He’s wearing an eyeglasses, nakatupi ang polo nito hanggang siko. He’s tall and have a very good posture. ..Confident but fiery. “Good morning class.” Wika nito. Napahinto ako at tinitigan si Sir. My head tilted a bit because I am trying to memorize his features. “Good morning, Sir!” Magiliw na bati nila pabalik. Nanatili akong nakatitig sa sariling guro. Nagkasalubong ang tingin namin. Umiwas ito. My heart fluttered for a moment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD