"Why? It's healthy for you. These are local vegetables, Keny. Nutritious and safe if you would ask," nakangiting ani ng dalaga. Somehow she felt sorry for Kendrick. Sa sobrang busy nito sa buhay parang minsanan lang nagkakaroon ng oras para kumain ng matinong pagkain. "These are grasses," seryosong ani ng binata habang nakatingin sa gulay sa harap niya. "Kendrick, try mo lang kainin 'yan. Walang mawawala sa'yo. I'm sure you will like it," giit ni SN. He saw how sincere SN is. Sarap na sarap din ito sa pagkain. Parang maging siya ay ginanahan din sa pagkain. Alanganing sinubo niya ang isang kutsara ng laing at pinakiramdaman sa bibig. He can't state any word. Subo lang siya ng subo. Agad namang napangiti ang dalaga. "So, how was it?" tanong ng dalaga. He just showed her his thumb and co

