“Si–Sige, bye,” sambit ko at pinatay ko na ang tawag. Tila para akong nanghina sa narinig ko. Akala ko, ayaw ni Winston magpakasal kay chloe. Pero, ba’t nasa kuwarto siya ni Chloe? Anong ginagawa niya ro’n? Umupo ako, sabay buntong-hining. Gusto ko nang makita si Winston dahil mis na mis ko na siya. Kung kailang hinahanap–hanap ko siya’y saka naman siya busy. AT kasalanan ko naman kung bakit dahil pilit ko siyang ipinagtatabuyan. Nagpahinga ako. Nagbihis ako at muli kong tinaweagan si WInston dahil baka sakaling gising na siya. Nagring ang phone niya. At napangiti ako nang sagutin niya iyon. “Napatawag ka?” tanong niya. Kaya alam kong siya na ang nasa kabilang linya. “Na–Namis kita, kaya ako tumawag sa ‘yo. Um, buti at sinagot mo tawag ko dahil si—” “GIsing ka na, PUmpkin?” narini

