Farah's POV Wala na akong nagawa kung hindi ang magpaiwan dito sa loob ng dati 'kong kwarto, at agad ako'ng pumunta sa may bintana para silipin kung ano ng ganap. Naghiyawan na naman ang mga tito at iba kong pinsan ng makita ang husband ko, muli namang nagmano si Derrick kay Papa na hindi pa rin maipinta ang mukha. Ano bang problema nito ni Papa, nuknukan ng sungit! Tapos binigyan ng plastic na upuan si Derrick at pinaupo ng mga loko loko kong pinsan sa mismong tabi talaga ni Papa, mukhang balak talaga nilang kornerin ang asawa ko ah! Kaya mo yan babe! Sa isip-isip ko. Napalingon naman ako muli sa pintuan dahil may kumatok tapos unti-unting bumukas at sumilip si Mama. "Pwedeng pumasok?" Ang sabi pa ni Mama kaya bahagya ako'ng natawa. "Ma, ano ka ba bahay mo 'to?" At pumunta ako sa

