Farah's POV Nagpaalam na si Sabrina sa amin, sinabi niya na may pupuntahan pa siya, dumaan lang daw talaga siya saglit dito para personal kaming batiin ni Derrick kaso nga hindi siya hinarap ng magaling 'kong asawa. Since nakaalis na siya ay pumunta naman ako sa may kusina para simulan ang pagluluto ng dadalhin ko kay Derrick. Mabait naman ang mga kasambahay nila at itinuro sa akin kung nasaan nakalagay ang mga ingredients na kailangan ko, kung paano gamitin ang kalan etc. Tama nga si Derrick kumpleto dito sa bahay nila 'yun nga lang ay wala ako'ng privacy dahil nandito lang naman sa kusina ang mama niya at pinapanood ang ginagawa ko. "Kaya pala nagustuhan ka ng anak ko eh!" Ang sabi ng mama niya. Ngumiti na lamang ako at nanalangin na sana ay iwan na niya ko at huwag na niyang 'kong

