Derrick's POV Nagsimula na naman uminit ang ulo ni Farah Babe. Sabe na eh, mahirap talaga kapag naiwan kaming dalawa lang, dahil tinatarayan niya ko, hindi pa talaga humuhupa ang inis niya, kaya kinumbinsi ko siya na maglibot na kami para batiin ang mga bisita namin na nirereklamo niya na hindi daw niya mga kilala. Alam ko'ng pagod na siya, at gano'n din naman ako pero need namin pakiharapan ang lahat ng guest na nandito ngayong gabi, at kailangan na naming simulan para matapos na agad. Kahit na medyo late na kami dumating ay wala namang problema, dahil open buffet naman ang style, kahit pagdating mo ay pwede ka na agad kumain. Una naming pinuntahan ang table kung saan naka-upo ang family ni Farah. "Congrats Ate Farah and Kuya Derrick, grabe ate ang ganda ganda mo ngayon, blooming na

