Farah's POV Ang tagal matapos ng inuman nila Papa at Derrick, mukhang hindi ko na ata siya maaantay dahil antok na antok na ako. Nakapaglinis na ako ng aking katawan at nakapagpalit na ko't lahat ng pantulog pero hindi pa rin sila tapos, inayos ko na lamang, at inilatag sa kama ang susuotin niyang pamalit at nagpasya ako na matulog na dahil hindi na kaya ng powers ko. Hanggang sa nagising na lamang ako, at naaninag ng aking mga mata na paumaga na sa labas ng bintana, sa sobrang antok ko kagabi ay hindi ko na naramdaman ang pagtabi sa akin ni Derrick na nakayakap ngayon mula sa aking likuran. Mula sa pagkakatalikod sa kanya ay inikot ko ang aking katawan para mapaharap sa kanya, agad ko naman nabungaran ang pogi kong asawa. Hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya, tapos kinurot ko ang

