Farah's POV Kasama ko na ngayon si Ava sa loob ng elevator at papunta na kami sa room. Kinuha ko ang aking cellphone, at nag-type ng mabilisang text kay Nadia para ipaalam na paakyat na kami ni Ava. "Hindi mo ba talaga boyfriend si Derrick?" Ang bigla sabi niya out of nowhere. "Hindi nga." Ang sagot ko. "Sure ka." Ang paninigurado niya. Fùck! Mukhang nakakahalata na, at ayaw maniwala. Totoo naman eh hindi ko siya boyfriend, dahil husband ko na siya. Lumabas kami ng elevator, pero pinigilan ko siya lumakad at hinawakan ko ang isang kamay niya. Sa totoo lang ay nagu-guilty talaga ako na hindi sabihin sa kanya, gusto gusto ko na din naman sabihin kaso may mga bagay lang talaga ako na isinaalang-alang. Hindi ako makatingin ng directcho sa face niya, palipat-lipat ang tingin ko sa mu

