Farah's POV Nakapila na ko sa checkout counter ng supermarket ng mag-vibrate ang aking cellphone, at ng i-check ko ay Derrick is calling.... Kinancel ko ang tawag, at pinatay ko muna ang cellphone ko, bahala ka diyan, busy ako. Hanggang sa ako na ang susunod sa pila. Pinaglalagay ko sa may counter ang mga bibilhin ko, 'yung mga juice na naka-individual pack na nasa tetra pack na lamang ang binili ko para hindi na ko bibili ng paper cups, at may ilan ding bottle ng mineral water, pero paper plate kumuha ako, tapos may ilang chips din ako'ng kinuha pantanggal umay lang sa matatamis dahil puro dessert na nga lang ang ihahanda ko'ng food since after naman ng dinner ang pa-surprise party. Ginamit ko naman na pambayad ang credit card ni Derrick, buti na lang nasa akin pa din 'to, tama lan

