Farah's POV "Grabe Farah ang dami mo naman inorder pero ayos lang atleast makakain tayo ng ayos ngayon." Excited na sabi ni Ava pagkatapos ilapag ang mga order namin sa lamesa. Nasa loob kami ng isang chinese restaurant sa loob ng mall. Niyaya ko siya para makapag-relax naman kami, at tama siya makakain kami ng ayos dahil hindi namin kasama ang mga baby namin. "Alam mo ang weird pala talaga maging nanay no, may moment na gusto mong mag me time tulad na lang ng ginagawa natin ngayon pero parang miss na miss ko na din agad 'yung baby ko!" Sabi ni Ava. "Sinabi mo pa, pero kung isasama naman natin sila hindi naman tayo makakain ng maayos." Sagot ko naman kay Ava, at bigla kong naisip na isa pa lang ang mga anak namin eh nahihirapan na kami kapag isinasama namin sila kapag naalis eh pano pa

