Farah's POV Seryoso ba siya? Is he for real? Talaga bang gusto niyang ipa-delete or i-block ko daw ang lahat ng girls na nasa friends lists niya para wala na ako'ng pagselosan. No way, hindi ako gano'n ka-possesive para humantong sa ganito na pati lahat ng friends niyang babae sa soc med niya ay pagtatatanggalin ko. "At bakit ko naman gagawin 'yun, ano ako baliw?" At ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya. "Oo, baliw na baliw ka sa akin, dahil mahal na mahal mo na ko bilang husband mo!" Ang nakangisi niyang sabi. Ayan na naman siya, he and his stupid jokes. Nababaliw ng konti siguro pero kung sasabihing baliw na baliw, at mahal na mahal mukha niya. "Gaano ka ka-sure?" Ang natatawang sagot ko naman sa kanya, just to play a long with his stupid jokes. "One thousand percent." Ang ma

