Farah's POV Naasar na ko sa ginagawang pagpapa-bebe ni Derrick, sumosobra na siya hindi porket na binabawasan ko na ang pagtataray ko sa kanya eh sasamantalahin naman niya. Kung makaasta siya ay daig niya pa ang bata, masyado siyang nagpapa-baby, kung hindi ba naman baliw, hindi ko na mapigilan ang pagtitimpi ko, magsasalita na sana ako kaso biglang may edad na babae ang lumapit sa table namin, sa tantiya ko ay parang kasing edad ito ng mga parents namin ni Derrick. Pinagmasdan ko ang mukha ni Derrick bakit parang namutla siya ng bahagya pagkakita sa babae. Kinamusta niya ang babae at ipinakilala kami sa isa't-isa, parang nagulat pa nga ito ng ipinakilala ako ni Derrick as a wife pero agad ko din naman binawi, ang sabi ko ay ikakasal pa lang dahil hindi naman kasi namin pinapamalita na

