Farah's POV Nandito kami ngayon ni Ava sa opisina ng foundation, curious kasi siya, at gusto niya malaman how it works. Nang ikinuwento ko sa kanya na ito na ang magiging bagong role ko sa buhay ay hindi siya makapaniwala dahil kahit kailan ay hindi niya daw naisip na magiging Chairwoman ako ng isang company-sponsored foundation ng isang malaking kumpanya. Grabe siya sa akin oh, ganu'n ba talaga ako katamad noon para hindi siya maniwala?! Inexplain ko na lang sa kanya ng maigi kung bakit pumayag ako na tanggapin ang role na ito, since tinanggap ko na si Derrick sa buhay ko, ay dapat tulungan ko siya, ang pinakamadaling explanation na lang siguro sa lahat ng ito ay parang kaming dalawa ang magtutuloy ng business legacy ng pamilya, at hahayaan na namin makapagpahinga, at ma-enjoy naman a

