Farah's POV Bumaba na kami ng hagdanan at parang ang bigat talaga ng mga paa ko habang inihahakbang ko ito palakad pero kailangan 'kong tanggapin na hindi na katulad dati ang sitwasyon. Sabi nga change is constant pero hindi ko din kasi lubos isipin na ganito kabilis. Nakababa na kami at nakalabas ng apartment building ay nanatili pa din ako'ng tahimik. "Babe masama ba pakiramdam mo?" Ang tanong niya sa akin. Umiling-iling ako at inilabas ko na ang susi ng bago 'kong car at pinindot para ma-unlock. "Babe ako na ang magda-drive." Ang suggest ni Derrick pero muli ako'ng umiling. "Ako na lang babe, para ma-test drive ko ng husto at masanay ako." Ang sagot ko sa kanya bago ko buksan ang pinto at pumasok na ko sa loob para pumuwesto ng upo sa driver seat at siya naman ay umupo sa tabi ko

