Farah's POV Lalapit sana ako sa dalawa kaso bigla naman sumulpot si Julie sa harapan ko, 'yung assistant ni Ava. "Miss Farah, sinabi sa akin ni Ma'am Ava 'yung kailangan mo, and sakto nainom ako ng pills because of my PCOS," at inabot niya sa akin ang isang piraso ng pill at isang bote ng mineral water. Napahanga naman ako sa pagiging alerto nito ni Julie, nasolusyunan na nga niya ang problema ko, tapos may dala pang tubig para mainom ko na agad. Agad ko'ng inilagay ang pill sa loob ng aking bibig, at pagkatapos ay pinaikot ko naman ang takip ng mineral water hanggang sa mabuksan ko ito, at agad tinungga ang laman. Grabe, naubos ko ng isang tunggaan lang. Maghahanap sana ako ng basurahan para itapon ang basyo pero inagaw naman ni Julie sa akin, at siya na daw ang magtatapon, edi fi

