Third-Person Narrative Hindi naitago ni Miranda ang inis sa kanyang mukha ng pagpasok niya ay may bagong table ng inilagay malapit din sa may table niya at may babae ng nakaupo du'n. Alam na niya kung sino iyon, ang taong magiging kapalit niya, talagang hindi siya pinagbigyan ni Lucy pero ayos lang naman, dahil ang sabi naman sa kaya ay hindi naman siya agad ililipat hangga't hindi niya natuturan ang bago ng mga dapat gawin, kaya may time pa din siya para maisagawa ang plano niya. "Ah Miss ikaw ba si Miranda, sabi kasi ni Sir Derrick sabihin ko daw sa'yo pagdating mo na pumasok ka daw sa loob." Ang agad na bungad sa kanya ng babae. Napatingin tuloy si Miranda sa pintuan ng opisina nito, ang aga naman dumating ng boss niya samantalang hindi naman siya late. Nginitian naman niya ang bag

