Farah's POV Next Sunday has arrived at nandito kami ngayon sa may kusina ni Claire, at tinutulungan ko siya dahil sobrang nakakahiya, sila ang inimbitahan namin dito pero may mga dala silang food pang dagdag daw sa kakainin namin. Kasalukyan na niyang inihahanda ang salad, dito na daw niya gagawin para fresh, naka-ready na naman ang mga ingredients, pagsasama-samahin na lang. Ang aming mga husband naman ay nasa labas, at sila ang nakatoka sa pag iihaw ng mga karne, at isda. "Sobrang nakakahiya naman, kayo ang bisita namin dito pero ang dami niyong dalang foods, ano bang maitutulong ko." Ani ko kay Claire. "You don't need to do anything, madali lang 'to oh pagsasama samahin ko lang, tsaka huwag ka ng mahiya, okay lang 'to, walang wala naman 'to kumpara du'n sa naitulong niyo sa akin mag

