Farah's POV Nagulat na lamang ako ng kasabay ng pagtayo ko ay sabay din ang paglabas ng tubig, ang akala ko ay naihi ako pero according kay Isay ay pumutok na daw ang panubigan ko, at manganganak na daw ako kaya nagkatinginan kami ni Derrick. "Babe, punta na daw tayo ng ospital." Ang sabi ko pa kay Derrick pero nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa akin. "Babe!" Ang ulit na tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya gumalaw, at nakatingin lang na parang walang naririnig like what the fùck?! "Derrick!" Ang sigaw ko na sa pangalan niya, at du'n na siya parang nagising at inalalayan na ko, agad naman kaming nakapasok sa loob ng sasakyan pero may nakalimutan siya. "Babe, 'yung bag pala namin ni baby, kunin mo muna bago tayo umalis." Ang pagpapaala ko sa kanya. "Pero manganganak k

