Farah's POV Napatigil kami sa pagtatalo ng biglang dumating si Ate Denise. Kanina pa daw niya kami pinagmamasdan, parehas daw kaming mga baliw at umayos daw kaming dalawa. Napagalitan tuloy kaming dalawa. Wala naman ako'ng nagawa kung hindi ang manahimik na lamang, may point din naman kasi ang sinasabi niya, nakakahiya nga kung may ibang makakita sa amin. Fùck! Si Derrick lang naman ang may kasalanan ng lahat ng 'to, at siya lang ang tanging sisisihin ko wala ng iba. Bago umalis si Ate Denise ay may ini-abot siyang kulay itim na maliit na box kay Derrick. Okay that's it! Wala na akong masabi. Napaka-swerte naman talaga nito ni Derrick sa kanyang ate, in an instant ay meron na agad ring, 'yun lang naman ang pwedeng maging laman ng box na 'yun. At hindi nga ako nagkamali, halos magn

