Farah's POV Iminulat ko ang mata ko at agad nabungaran si Baby Jacob sa tabi ko na mahimbing ang tulog at katabi naman niya si Derrick. Ano'ng oras na ba? Nang i-check ko ay malapit na mag 6:00 AM. Dahan-dahan ako'ng bumangon at muling pinagmasdan ang dalawa. Iniisip ko pa kung bumangon ako kaninang madaling araw pero ang alam ko hindi eh, ang tanda ko pinabalik ako ni Derrick sa pagtulog. So, ibig sabihin buong gabi ako natulog ng hindi ako inistorbo ni Derrick. Napansin ko din na iba na ang suot ni Baby Jacob so pinalitan niya ng damit?! Well, good atleast maasahan naman pala siya sa pag-aalaga ng baby. Naglakad na ko papunta sa banyo at ginawa ko na ang dapat 'kong gawin paglabas ko ay bitbit ko ang trash bag dahil need itapon sa labas dahil naaamoy ang maduming diaper ni Baby J

