Derrick's POV Saglit siyang tumahik pero rinig na rinig ko ang tìbok ng kanyang puso, ng matapos ko'ng halikan ang buong mukha niya ay muli ako'ng tumingin sa mga mata niya. "Babe, please." Ang paki-usap ko sa kanya. And then finally, sinabi niya ang gusto ko'ng marinig. "I think I love you." Napakagat labi pa siya at nag-iwas siya ng tingin sa mga mata ko pero hinawakan ko ang mukha niya para manatiling nakaharap sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mahiya eh mag-asawa na naman kaming dalawa, at ilang beses na din may nangyari sa amin pero simpleng pagsabi lang ng I love you ay parang napakahirap sa kanya. "Don't be shy, babe, I love you too." Hinawakan ko pa ang palibot ng labi niya bago hagkan iyon at gumanti din naman siya ng halik. Nakangiti ako habang hinahag

