Dos POV Nasa loob kami ng sasakyan ni Heather habang nakapark sa labas ng botikang binilhan namin ng alcohol at betadine. Mabuti nalang at dinaanan lang ako sa bahay nila Charlie kaya hindi namin kailangan mag convoy. Buong ingat niyang nilalagyan ng betadine ang gilid ng labi ko habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Kanina pa siya walang imik. "Okay ka lang ba?" Di ko na napigilang itanong sa kanya. Napatigil naman siya at tumingin saakin saka bumuntong hininga. "You shouldn't have done that, Dos. Nasaktan kapa tuloy." Sabi niya. "Tapos ano hayaan kitang bastosin ng Gino na yun?" Nakakainis. "Hindi naman sa ganon, pero sana hindi mo na siya pinatulan. Look at you, you have bruises because of me." Aniya at napayuko. "Gagawin ko lahat para sayo, Heat." Ani ko, gusto ko siya,

