Dos POV Patakbo akong pumasok sa emergency room ng hospital dahil sa nalaglag daw at nabalian ng buto sa paa si itay. Sobrang alala ko kanina lalo na ng hindi umaandar yung sasakyan ko. Laking pasalamat ko kay Heather na pinahiram niya sakin yung kotse niyang latest na model ng Range Rover na pink. Eww, sobrang girly ng sasakyan niya na kahit sa loob ay may mga halong pink ang mga upuan at iba pang mga gamit na nandoon. Hindi ito ang gamit niya nung nagkabunggoan kami, ang gamit niya kasi noon ay isang suv na itim. "Kuya!" Agaw atensiyon na tawag saakin ni Bitoy. "Asan si itay?" Agad kong tanong sa kanya. "Nanduon kuya. Okay na siya, senemento yung paa niya." Turo nito sa isang kwarto. Pagpasok nga namin roon ay nakahega si itay sa isang kama, tatlong kama pa ang naroon at meron lahat

