Dos POV Kanina pa ako nagugutom kaya naman ng may makita akong mga nagtitinda ng streetfoods ay agad kong ihinto ang sasakyan ni Heather. Isaw at adidas ang pinapak ko. Napapangiti pa ako dahil tuwing may sauce na nagkakalat sa labi at pisnge ko ay agad iyong pupunasan ni Heather. "You eat like a child, babe. Hinay hinay kasi wala namang aagaw sayo." Natatawa niyang sabi habang pinupunasan ang pisnge ko. Nakaupo kami sa kahoy na mesa at plastic chairs na nandun. "Kanina pa kasi ako nagugutom eh." Sabi ko naman na panay ang nguya. "You should've told me para we eat muna." Sabi naman niya. "Mas gusto ko dito, mura na masarap pa." Ngiti ko naman. "If you say so." Sabi niya at napatingin sa mga pinaihaw kong nasa paper plate. Limang isaw at limang adidas saka atay ng manok. "Gusto mo

