Dos POV Napakakulit ni Heather. Kanina pa kami nagtatalo ng matapos siyang kumain dahil gusto niyang sumama sa palengke ako naman ay ayaw ko dahil baka nga hindi siya sanay roon pero wala din akong nagawa. Pinagpalit ko nalang sya ng swept pants ko at tshirt. Ang lapad pa ng ngiti niya ng lumabas ng kwarto at excited na excited na gusto ng umalis. "C'mon let's go." Hila niya saakin palabas. At dahil umaga ay maraming tao sa labas kaya naman ng nasa may sasakyan na kami ay panay na naman ang tingin ng mga kapitbahay namin kay Heather. Ngayon lang ata nakakita ng maganda. "My labsssss!" Sigaw ni Magda at agad na yumakap saakin. Inilayo ko naman siya saakin. Ngiting-ngiti siya at inaabot ang dala nyang supot. "Para sayo my labs, para hindi ka magutom." Abot niya saakin. Akmang tatanggap

