"Slow down," sabi sa 'kin ni Ethan nang dali-dali kong lantakan ang mga pagkaing binili n'ya. "Nakakagutom kaya," dipensa ko. Totoo naman na nakakagutom, ang dami na kasi naming nasakyang mga rides, at sobrang naloka talaga ako ng sinubukan namin ang Space Shuttle, isinusumpa ko na hinding-hindi na ulit ako sasakay sa pèsteng ride na 'yon. Hindi na s'ya sumagot pa sa 'kin at kumain na lang din. Nandito kami ngayon sa Bandstand Foodcourt ng Enchanted Kingdom. "I heard na may fireworks Display daw sila dito, mamayang seven p.m," sabi n'ya habang nakain kami. "Do you want to watch it?" tanong n'ya pa habang nakatingin sa 'kin. "Oo naman," agad kong sagot dahil nandito na rin lang naman ako, ba't 'di ko pa sulitin 'di ba? At malay ko ba kung makabalik pa 'ko dito. Kung babalik pa 'kong

