LEIN FRIDAY AFTERNOON Masaya ako dahil pa-weekend na pero malungkot kasi uuwi na si Rheo sa kanila. Ako na lang maiiwang mag-isa sa kwarto namin sa boarding house. Bukas pa ako ng tanghali makakauwi sa amin sapagkat may klase pa ako ng sabado ng umaga. Oo. As in sabado. Matinong sabado ng umaga. Ewan ko ba ba't nilagay nila ng sabado ang NSTP kung saan lahat ng first year student ang kasali roon mula sa ibat-ibang kurso. Pwede namang weekday na lang. Andami kong bakanteng oras sana. Kaso no choice ako. Kailangan ko pa ring um-attend no'n. Required kasi 'yon at meron pa no'n sa susunod na semester. Isang taon akong magtitiis na tuwing sabado ako uuwi at hindi biyernes ng hapon. Nasa last subject na kami at konti na lang ay mag-uuwian na rin kami. Saktong tumunog na rin ang bell na

