Clarissa POV
"Iha mauna na ako sa baba susunod ka na lang kung tapos ka na maligo,at wag ka rin magtagal dahil ayaw na ayaw, ni sir Dion, pag hintayin s'ya."Manang ganun na ba kasama ang ugali ng amo mo?"
"Ang kadalasan,tahimik lamang si sir at malamig pa ito sa yelo.Ngunit kapag nakilala mo s'ya maiintindihan mo kung bakit ganun ang ugali n'ya iha,magpakatatag ka lang ha!"hindi alam ni Clarissa kung bakit ito sinasabi ng ginang ngayon
lang sila nagkakilala,pero kung titingnan naman n'ya mabait ito.Maamo ang mukha at may katandaan narin ito.
Sinunod niya ang utos ng ginang,dahil mas may alam ito sa nangyayari kesa sa kanya.
Dalangin lamang n'ya na sana magkaroon s'ya pagkakataon upang makatakas sa lugar na ito.
Nagsuot lamang ako ng simpleng damit,dahil iyon ang mga nais kong suotin sa tuwing nasa bahay ako.
Nakasanayan ko na ang ganitong kasuotan mula noon paman.
Paglabas ko ng banyo.Nakita ko na nakabukas ang pinto ng kwarto ko,siguro nakalabas na ang matanda dahil wala na doon.
Marahan ako naglakad palabas ng kwarto na iyon.naka jeans at t shirt na fit lamang ako.
Palinga-linga ako habang naglalakad sa pasilyo.Tahimik ang paligid tanging huni lang ng ibon maririnig ko mula sa labas ng mansyon na ito.
May mga kwarto na nadadaanan ko ganito pala ka laki ang bahay na ito.
Limang pinto iyon.Panglima ang tinulungan ko.
Pagdating sa dulo nakita ko ang hagdan kaya humakbang ako upang bumaba.
Habang nilibot pa rin ang paningin ko.
Halatang napaka yaman ng may-ari nito dahil sa klase disenyo ng mansyon.Kung iisipin parang palasyo ng hari.
Nakakamangha ang ganda at linis ng mga gamit sa loob ng bahay na ito hindi ko maiwasan napanganga sa ganda nito.ni walang alikabok na dumapo sa kanilang mga bintana oh sa loob ng mansyon na ito.
Dahan-dahan lang ang lakad ko na para takot ako marinig ng may-ari ng bahay na ito,wala si manang dahil nauna na ito bumaba ng hagdan.
Kanina pa ako pa ikot-ikot pero ni anino ni manang hindi ko nakita.Sa laki pa naman ng bahay na ito.
Wala akong makita tao sa loob nito.
"Iha nariyan ka na pala,halika!doon lang dining area ng mansyon."Sumunod lamang ako habang namangha sa mga na daanan ko.
"Dito ka maupo iha!'itinuro ni manang Lena, ang pwesto ng dalaga
May lalaking nakaupo sa pinaka dulo na iyon.mahabang lamesa at may tig walo na upuan bawat gilid.Dalawa sa magkabilang gitna.
Hindi s'ya nag abalang tumingin sa lalaking nag umpisang sumubo.
Takot lamang ang kanyang nararamdaman dahil sa mga lalaking nakatayo sa gilid nito.Na para bang reyna kung titignan.
May dalawang katulong na babae sa kabila.
"Kumain ka ng marami iha!"pinagsandok s'ya ng kanin ng ginang.
"Manang hayaan mo s'ya,may kamay s'ya, hindi s'ya princess dito para pagsilbihan saad ng lalaking kaharap ko,gamitin mo ang kamay mo para kumain hindi ka naman lumpo saad nito sa akin.
Nagulat ako napa angat ako ng ulo akala ko ba bulag o lumpo pero bakit?nakikita niya ako.
"Kumain ka na Clarissa,
matipunong bosses mula sa lalaking hindi n'ya pinalansin.Sa klase ng boses nito ay mukhang bata pa .Ngunit ang sabi sa kan'ya ng kanyang mga kapatid bulag at lumpo si Dion Montenegro.
Pero bata pa ito sa inaakala ko.
Napaisip ako kung ito ba si Dion.
Siguro anak n'ya ito o di kaya pamangkin nito.
Ngunit ang sabi sa kanya,walang asawa ang Dion at ng iisa lamang ito.
Ay masakit ang ulo ko sa pag-iisip
bahala na,kakain na lamang ako dahil tumutunog na ang aking tiyan dahil kagabi pa pa ako hindi kumakain..
Maraming ako nakain, hindi ko inintindi ang kaharap ko gutom ako bahala ka d'yan.Hindi ko alam kung ano ang kukunin ko dahil ang dami naka handa sa lamesa.
Parang may malaking party ito mga mayayaman talaga walang pakialam sa pera.
"Manang kain rin po,kayo saad ko sa matanda napa tingin ako sa mga taong sa gilid ng mesa bawat sulok kasi may nakatayo na katulong nito.Naiilang kasi ako kapag may mga taong nakatingin sa akin,habang kumakain.
"Hindi iha mamaya na kami kakain mauna ka na,sige na kumain kana iha!'ngumiti lang ang ginang sa dalaga.
"Hayaan mo sila!kumain ka na at wag ng dumaldal!"bulyaw ng kaharap nito.Hindi na nito matagalan ang ugali ng binata kaya tinitigan n'ya ito.kahit takot ito sa binata.
Ngunit ang kaninang malambot na mga mata ay naging matapang ng makita kong sino ang may-ari ng boses na iyon.
Nakakatunaw ang klase ng titig nito sa kan'ya.
Dahil nagtama ang kanilang mga mata ng hindi sinasadya agad ako yumuko dahil hindi ko kaya salubungin ang mga mata nito.
banawi ng tingin ng dalaga dahil hindi niya kayang ang titig na iyon,
Hindi rin n'ya akalain na napaka gwapo ng may-ari ng boses.
Bakit? para yatang nag-iba ako naging matapang ako sa harap ng lalaking ito.
"Iwanan n'yo kmi!"utos ng lalaki kaya agad na tumalikod ang lahat ng naroon.
Matinding katahimikan ang namagitan sa dalawa ng ilang sandali.
Napukaw lamang ako ng nagsimulang magsalita si Dion.
"Simula ngayong gabi dito ka titira sa bahay ko!"tumayo ito at kinuha ang brown envelope at binuksan sa loob nito naka tingin lang ako kay Dion,
Inabot n'ya sa akin, ang walang laman na papel at ballpen na nasa lamesa na nasa gilid lamang ng pasilyo,lumapit ito sa akin.
"Pirmahan mo yan!"seryoso at walang nakikita halong biro ang mukha nito.
"Anu ito bakit walang laman paano ko basahin ha?
"Wag kang magtanong dahil hindi kita pinahihintulutan!"bulyaw n'ya
sa akin,abat ang loko na ito kung maka sigaw,parang malayo ako sa kan'ya.
Natameme ako at takot dahil sa boses na kaya ,para wala ng ibang usapan inabot niya iyon at walang salita na pinirmahan kung saan nakalagay ang pangalan ko.
"Simula ngayon asawa na kita!lahat ng utos ko sayo gagawin mo hindi ka pwede umayaw dahil nakasulat lahat dito sa papel na ito.Dahil binili na kita sa nanay mo.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito hindi ako makapaniwala sa sinabi nito sa akin.Napaluha ako wala ako alam sa mga plano nito sa akin.
Ang saklap ng kapalaran ko dahil sa nanay ko naging magulo ang buhay ko.Ano na gagawin ko ngayon alam ko wala na akong kawala sa mga kamay nito.