Young Love, True Love?!

893 Words
CHAPTER 2 After 2 weeks, ipinaalam sa amin ni coach na mag-oOrganize ng outing ang school ng St. Louise Academy dahil sa pagkapanalo namin sa competition. Isang overnight swimming ang i-Oorganized kasabay na din ang christmas party ng banda. Nagpaalam ako sa Mommy at Daddy ko at pumayag naman sila since inassure naman nila coach at ng mga school organizer na safe ang aming pupuntahan at walang alcoholic beverage na madadala during our outing, malapit na din naman ang christmas break kaya pinayagan na din . Thankful din si Trish sa kanyang parents dahil sobrang supportive ito sa kanya at alam niya may tiwala ang mga ito sa kanya. “Trish, Trish Trish!” Napalingon ako sa tumatawag sa akin kahit alam ko na kung sino ito dahil na din sa pamilyar na t***k ng puso ko. “Hi!” Bati ko dito ng makalapit na sa akin si Matt. “Pauwi ka na?” Tanong nito sa akin. “Oo” Sagot ko naman. “Sabay na tayo? Hanggang sakayan” Tanong ulit ni Matt sa akin. Napatango na lang ako sa kanya at nagsimula na ulit maglakad. For a while, walang nagsasalita sa amin. Hindi na din nawawala ang kakaibang kaba ng dibdib ko dahil sa presence niya. “Hmmp! Trish sasama ka ba sa outing this coming Saturday?” Napalingon ako kay Matt. “Yup, pinayagan ako nila Mommy eh” Sagot ko naman. “Good!” Balik sagot naman niya sa akin. Nakangiti at tatango-tango pa. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang ngiti ng lalaki dahil ayaw niyang umasa. “Dito na ko” Sabi ko naman, ng makarating na kami sa sakayan ng tricycle papunta sa subdivision namin. “Sige Trish, ingat ka! Text me when you got home” Sabi pa nito. Ngumiti lang ako at sumakay na sa tricycle. Napailing pa ko sa huling turan niya sa akin “text ko daw siya?” sabi ko pa sa isip ko. Napangiti ako pero mabilis din inalis sa isip ko ang kilig na nararamdaman ko.   SATURDAY… Hinatid ako ni Mommy at Daddy sa school dahil dun ang meeting namin papunta sa resort na inarkila ng school for our celebration. Nakipag-usap si Daddy kay coach at inantay kaming umalis bago umalis na din sila ni Mommy. Inabot din ng tatlong oras ang byahe namin papuntang Batangas. Maganda ang resort at malaki. Nagkanya-kanya muna kaming ayos ng mga gamit namin sa kwartong naka-assigned sa bawat isa. Sinabihan kami ni Coach Ariel and Ms. Rose na lumabas na lang kami after an hour para masulit namin ang lugar habang maliwanag pa at ma-enjoy namin ang beach. “Trish ang ganda ng place noh?” sabi ni Margareth, isa din majorette at kaibigan ko din pero na junior high school na sya. “Oo nga eh, labas na tayo? Tinatawag na tayo ng dagat” Excited na yaya ko sa kanya. “Sige” sagot naman nya sa akin. Nagsuot ako ng 1 piece bathing suit at pinatungan ko ng maong short na umabot hanggang taas ng aking tuhod. Nang pareho na kaming nakapag-ayos ni Margareth ay sabay na kaming lumabas ng aming kwarto at pinuntahan sila Coach Ariel and Ms. Rose na nag-aayos ng mga pagkain. “Coach tulungan na po namin kayo” Bati ko sa kanila pagdating namin Margareth sa cottage. “Hi Trish! No need na, enjoyin niyo ang dagat tutal nakapangligo na kayo. Kami ng bahala dito ni Coach Ariel” Sagot naman ni Ms. Rose. “Uy si Coach, kinikilig eh” Tukso naman ni Margareth kay Coach. Napailing na lang ito sabay tingin kay Ms. Rose. Napatawa nalang din kami ni Ms. Rose. Hindi lingid sa amin na masugid din na taga hanga ni Ms. Rose si Coach Ariel. Kung titingnan nga sila they can be a perfect couple. Maganda at gwapo pareho pang mabait. “Sige na, maligo na kayo dun. Wag lang kayong masyadong lalayo ha” Pagtataboy sa amin ni Coach. Tatawa-tawa kaming tumakbo ni Margareth. Since kami pa lang ni Margareth ang naliligo sa dagat. Siguro ay nagsipahinga muna ang mga kasama namin. Sobrang na-enjoy namin ang dagat, hindi namin namalayan pareho ang oras. Nang mapagod, umahon kami ni Margareth at umupo sa buhangin habang hinihintay ang paglubog ng araw. “Trish kuha lang ako ng maiinom, nauuhaw na ko eh” paalam ni Margareth. “Go lang Girl, maya-maya balik na din ako sa cottage. Dito na lang muna ako” Sagot ko naman. Sabay talikod nito. Payapa ang dagat, nagkalat na ang kulay kahel sa liwanag sa kalangitan dahil sa papalubog na araw. Napakaganda ng paligid. “Enjoying the sunset?” hindi ko nilingon si Matt pero naramdaman ko ang pagtabi nya sa akin sa buhanginan. “Nauna na pala kayo ni Margareth” “Oo, na-excite kami kanina tska ndi naman kami napagod sa byahe” Sagot ko naman, sabay ngiti sa kanya. Ngumiti din sya sa akin habang nakatingin sa akin mga mata. Sinalubong ko ang kanyang mga mata pero ako din ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko matagalan ang kanya pagtitig. Binalik ko ang tingin sa dagat at narinig ko na lang ang malalim nyang pagbuntong-hinga. Napatingin ako sa kanya as if asking him “para saan yun” pero hindi ko na naisatinig. Muli ngitian niya lang ako. Wala ng nagsalita sa aming dalawa, sabay lang namin pinanood ang paglubog ni haring araw. Maya-maya pa ay nagyaya na itong bumalik sila sa cottage. Tumayo ito at nilahad ang kanyang palad, for a moment, tiningnan lang nya ito at inabot na din ang kamay dito para makatayo na din sya. “Salamat!” sabi ko sa kanya at sabay na din kaming naglakad pabalik ng cottage. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD