Young Love, True Love?!

1587 Words
CHAPTER 7 Days had passed at lalong naging malapit kami ni Matt sa isa’t isa. Lagi niya kong hinahatid sa bahay lalo na pag araw ng practice namin. He even ask the permission of my parents to do that. Ayoko man umasa pero hindi mapigilan ng pusong kong umasa. Pero at the same time, may takot pa din ako. What if he’s just being nice to me? What if he just want to be friends with me? What if ako lang pala to? Hay!!!   “Problem?” Napaangat ako ng tingin nagsalita sa tabi. Tinabihan ako ni Matt sa bench. Nginitian ko lang sabay iling. “Common! You can tell me. Parang ang lalim ng iniisip mo eh” pilit nya pa sa akin. “Wala nga. Sige una na ko sa’yo pupunta pa ko library eh” paalam ko sa kanya sabay tayo. Pero hindi natuloy ang paglakad ko, hinawakan niya ang kamay ko. Nabigla naman ako at napatingin ako sa kamay namin magkahawak. “Trish if something bothers you, I’m just here. I’m willing to listen” sabi niya pa sa akin. Tiningnan ko sya. “What if ikaw ang problema ko Matt?” piping tanong ko. “I’m ok Matt, nothing to worry” Sagot ko sa kanya sinabayan ko pa ng ngiti. For a minute, nagtitigan lang kami. Hindi ko na nakayanan ang mga tingin niya pinupukaw sa akin. I saw the sincerity on his eyes. I take a deep sigh. “I really have to go Matt” sabi ko. “Trish I really care about you”pahabol nya. Nilingon ko siya, “Thanks Matt!” sagot ko naman at tuloy-tuloy ng naglakad palayo sa kanya.   Hindi maalis ang pag-aalala ni Matt kay Trish. He knows something bothering her. He really want to know but obviously umiiwas si Trish. Gustong-gusto niyang sundan ang dalaga pero ayaw niya naman pilitin ito. Kahit na ayaw niya umalis ito but he feels that she needs time maybe to think whatever na gumugulo sa isip nito. “Anong dapat kong gawin para mapasaya kita Trish?”   Nagpunta si Matt sa tambayan nilang magkakaibigan at nadatnan nga sila Cy at Elisse doon. “Oh Pre, asan yun susunduin mo dapat? Tanong ni Cy sa kaibigan. “Pupunta daw siyang library” sagot naman ni Matt na walang gana. “Problema Pare?” tanong pa ni Cy. Instead sagutin ang kaibigan, binalingan niya si Elisse. “Elisse may problema ba si Trish?” tanong ko dito. “Ha? Wala naman akong alam. Ok naman siya kanina. Bakit mo naman natanong?” sagot nya kay Matt. “Hindi ko alam, kanina kasi parang ang lalim ng iniisip niya eh. Nun tinanong ko naman para akong iniiwasan” sagot ko. Nagtinginan lang si Cy at Elisse sabay baling ng tingin sa akin. “Eh bakit hindi mo nalang kasi Pare sinamahan si Trish” tanong pa skin ni Cy. Umiling ako “Feeling ko Pare umiiwas siya kanina” napabuntong-hininga ko. “Ahh, ang bigat sa loob ko” sabi ko sa sarili ko. “Hmpp! Matt, can I ask you something?” tanong naman sa akin ni Elisse. “What is it?” balik tanong ko sa kanya. “With all the things na ginagawa mo kay Trish and looking at you right, you look bothered of whatever problem she has, anong meron? I mean, bakit ganyan ka kay Trish?” “ I like her! No, I think, I’m falling for her” diretsang sagot ko kay Elisse. “Did you tell her about your feelings with her? “Not yet. And I don’t know how” sagot ko naman. “Ano ba Pare, ngayon ka lang yata natorpe ah” sabi naman ni Cyruz. “Hindi ko alam Pare, parang pagdating kay Trish hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Natatakot ako na bigla niya kong layuan at ayokong mangyari yun.” Sagot ko sa kaibigan ko. Tinawanan lang ako ni Cy, “Pare ikaw din baka sa katorpehan mo, maunahan ka” Dun ako parang natauhan. Hindi ako papayag na may ibang makalapit kay Trish. Ako lang. At gagawin ko ang lahat para kay Trisha. “Liligawan ko na siya ng pormal” sabi pa ni Matt. “Gawin mo Pare, dami mo pang sinasabi mo eh” sabi naman ni Cy. Tinapunan ko lang ng masamang tingin si Cy. Tumawa lang si Elisse sa’ming magkaibigan.   “Hi Trish!” Bati sa akin ni Matt “Hello!” sagot ko naman. Sinabayan niya ko sa paglalakad papuntang gynasium ng school namin. “Ahhm! Trish may lakad ka ba after ng practice niyo sa Saturday?” tanong niya sa akin. “Wala pa naman” sagot ko naman pero hindi ko siya tinitingnan, deresto lang ang tingin ko sa dinadaanan namin. “Good” sagot niya pa sa akin. “Why?’ tanong ko naman sa kanya. “Ahhm, can I….Can I invite you manood ng movie on Saturday? After ng training niyo?” tanong nya sa akin “If free ka” dagdag niya “Let see! Magpapaalam muna ko kina Mommy and Daddy” sagot ko naman sa kanya, napangiti na ko. Nagsisimula na naman akong kiligin. “Kalma lang self” sabi ko pa sa aking sarili. “I’ll ask them” sagot niya naman. “Ipagpapaalam kita sa kanila. I hope ok lang sa’yo?” dagdag pa niya. “Yeah, pwede naman” sagot ko naman. “Yayain din natin sila Elisse” dagdag ko pa. “Can we go out ng tayong dalawa?” mabilis niyang sagot sa akin. Napatingin naman ako ulit sa kanya. “Tayo lang? “oO sana, if it’s ok with you? Please!” sagot niya pa sa akin na nakikiusap I take a deep sigh before answering him. “Ok!” sagot ko. “Really?! Ok na sa’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko niya sa akin. “Ayaw mo ba?” balik tanong ko naman sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay.   “No, gusto ko. Gustong-gusto ko!” mabilis niyang sagot sa akin na ngiting-ngiti. “Ok, see you later! Sunduin kita ha. I’ll be here at 8pm” sabi niya pa sa kanya. “Matt, ok lang kahit hindi na. Makikisabay na lang ako sa kanila” “No!” maagap niyang sagot. “I’ll be here at 8pm, that’s final” Napailing na lang ako. “Ok, if that’s what you want. Ingat ka!” sabi ko pa sa kanya “You too!” sagot niya skin. Tinanguan ko lang siya at tumalikod na din papasok ng gym. “YES!!!” narinig ko pang sigaw ni Matt. Nilingon ko siya at kumaway lang siya sa akin na ngiting-ngiti. “Nangyari dun” sabi ko. Pero hindi ko din maiwasan kiligin at ma-excite. Kami ni Matt, going on a movie date? “Friendly date lang Trish” sabi ni ng isang part ng isip ko. “Whatever!” sagot ko sa sarili. “Bwaahhhh! Nasisiraan na yata ako” napailing na lang din ako sa aking sarili.   Paglabas ko ng gym nakita ko na si Matt na nag-aantay sa akin. While walking towards him, nagawa ko syang matitigan. He’s not the typical na sobrang gwapo pero ang lakas ng dating niya. And he is a nice person, actually sobrang bait and caring. “And…. I want to know him better” sabi ko pa sa aking sarili. “If given a chance” dagdag ko pa. Nakita kong tumayo na si Matt sa pagkakaupo ng makita niya kong papalapit sa kanya. “Kanina ka pa?” tanong ko ng malapitan ko siya. “8pm” sagot naman niya sa akin. Napailing naman ako “Matt, sabi ko naman sa’yo, you don’t have to do this” sabi ko sa kanyang nakatingin sa kanya. Nakatayo kaming dalawa na magkaharap. “Nasasayang un oras mo. Imbis na nagpapahinga ka na eh. And anong lagi mong paalam sa parents mo? Nakakahiya na” dagdag ko pa. Kinuha niya sa akin ang bag ko, sabay abot ng bottled water sa akin. “Ang thoughtful niya talaga” sabi ko sa aking sarili. Hinawakan niya ang aking kamay at tiningnan ako sa aking mga mata. “I told you, I want to this. I want to make sure that your safe” sabi niya sa akin. “Trish, this makes me happy. So please, Wag mo kong pagbawalan na gawin to sa’yo. And about my parents, they know na sinusundo kita dito sa school and hinahatid kita sa bahay niyo” mahabang paliwanag niya sa akin. “They actually wanted to meet you” dagdag pa niya. “What? But why?” tanong ko sa kanya. He just shrugged his shoulders. “Let’s go?” Tumango na lang ako. At naglakad na kami papunta sa parking na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Mabilis ang naging byahe namin. Pinigilan ko siya ng bababa na siya ng kotse. Napatingin naman siya sa akin na parang nagtatanong. “Thank you Matt! I appreciate all your efforts!” nakangiting sabi ko sa kanya. “You know why I am actually doing this? Tanong niya naman sa akin. “Cause we’re friends. And you are such a nice friends” sagot ko naman siya. “I actually want more than that Trish” sabi nya ng hindi tinatanggal ang tingin sa aking mga mata. “Trish, I like you! Nililigawan kita!” dagdag pa nito. “You what?” parang hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Nililigawan kita!” “Nililigawan mo ako?!” “oO! Akala ko kasi ok na tong ginagawa ko. Sorry hindi ako sanay eh” sagot nitong napakamot pa sa batok niya. “Really?!” hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Yes, Trisha Ortega! I’m courting you” natatawa niyang sagot sa akin at bumababa na ng kotse para pagbuksan ako. Pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse niya ng dumating naman ang kotse ni Mommy at Daddy. Binaba ni Daddy ang window sa driver’s side. Binati naman sila ni Matt. “Good evening Tito, Tita! Hinatid ko lang po si Trish” “Good evening Iho! Thank you sa paghatid kay Trish! Buti nandyan ka” sabi naman ni Mommy. “No worries Tita!” sagot nitong nakangiti sa parents ko. “Mauna na din po ako” paalam pa nito. “Sige Iho, mag-iingat ka!” sabi naman ni Daddy. At pinasok na niya ang kotse sa loob ng aming bakuran ng bumukas ang gate namin. “Good night Trish!” sabi nya sa akin. “Thank you ulit Matt! Ingat ka!” Inantay ko muna siyang makaalis bago ko pumasok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD