“KUMUSTA ka, Ma? Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw,” bungad niya sa puntod ng kaniyang ina. Pagkatapos niya ilagay ang isang pumpon ng bulaklak sa lapida nito ay sinunod naman niyang sindihan ang dalawang kulay puting kandila na nakalagay sa maliliit na baso saka umupo sa harap niyon. “Alam mo ba, ‘Ma, nang bumalik ako rito may nakilala akong babae na nagpagulo sa buo kong pagkatao. Noong una, nang malaman kong fiancee siya ni William pakiramdam ko naulit iyong dati. Pakiramdam ko naagawan ako ulit. Tapos kung kailan nagbago na ang tingin ko sa kaniya, saka naman siya ikakasal sa kapatid ko.” Namasa ang gilid ng kaniyang mga mata. “Bakit ganoon, Ma? Bakit lahat na lang ng taong mahal ko kinukuha sa ‘kin? Ikaw, kinuha ka na Niya sa akin. Nag kaniyang kapatid sa ama niya. Sa D

