“WHAT’S wrong? Kanina ka pa tahimik,” agaw pansin sa kaniya ni Sandrick habang binabaybay na nila ang daan pauwi. Sinundo niya ang dalaga hindi dahil sa coding ang sasakyan nito kundi sa mga oras na iyon ay siya na ulit si Anthony. Marami na kasi ang nagtatanong sa mga board of directors bakit hindi na nila nakikita si Anthony sa kompaniya. “Iniisip ko lang sina Mr. And Mrs. Jimenez. Sigurado akong kamumunghian tayong lahat ni Anthony sa oras na malaman niya ang tungkol kay Miyuki,” malungkot na pahayag nito. Napatingin siya sa dalaga sa binanggit nitong pangalan. “Miyuki? Who was she?” “Hindi ba niya nabanggit sa ‘yo si Miyuki?” Umiling siya. “He never mentioned Miyuki’s name to me but he told me during his birthday celebration that he would introduce me to the woman he liked.” “Even

