CHAPTER 32: HELICOPTER SURPRISE

2670 Words

“ANO ang uunahin natin?” tanong ni Viodeza kay Nicholai nang makapagsolo silang dalawa. “Mag-jetski muna tayo,” suhestiyon nito. “Ayoko! Mamaya na lang ‘yon!” reklamo nito. “Bakit? Ano ba gusto mo unahin?” balik tanong ni Nicholai sa dalaga. May itinuro naman ito. “Hayon! Iyon na muna subukan natin.” Tinanaw niya ang itinuro nito. At ganoon na lang ang pagsimangot niya nang makita ang itinuturo nito. “Boring ‘yan! Mag-jetski na lang tayo.” Gusto niya mag-jetski para naman makapuntos siya ng yakap mula rito. Hindi sa manyak siya o ano. Nais lang niya na mahulog ito sa kaniya. Nagwork-out pa naman siya para sa gateaway nilang iyon. Nabanggit kasi nito sa kaniya noon na sana may matagpuan din ito na katulad sa ginawa niya sa hero niya na malaadonis na katawan. Humalukipkip ang dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD