“Dad! Can I use my new car?” lambing ng labing-walong taong gulang na si Princess sa kaniyang ama. Ang sasakyan na iyon kasi ay regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong nakaraang debut niya. “Of course my Princess, but Julio will accompany you to your school okay?” Tumango siya saka niyakap ang ama. “Thanks, dad! You’re the best!” Gabi kasi ng aquaintance party nila kaya aalis siya ng gabing iyon. Pagkasakay ni Mang Julio sa driver seat ay agad niya itong kinausap. “Mang Julio, pwede po bang ako na lang ang magdrive papunta sa school?” Umiling ang matanda. “Hindi ka pa pwedeng humawak ng manibela at magdrive sa hi-way Princesita. Hindi pa ganoon kalawak ang kaalaman mo sa pagdadrive.” “Nandiyan naman po kayo para gabayan ako, e. Promise ko po sa inyo na dadahan-dahanin ko ang pagmam

