MAG-IISANG taon na silang kasal ni Gelbirth, sa mga lumipas na mga buwan na iyon ay maayos naman ang pagsasama nila. Kung may problema man sila iyon ay tila ba atat ang lalaki magka-anak sila, well, kahit siya rin naman pero ang pinagtataka lang niya, bakit kailangan kada buwan siya nito pinapagamit pregnancy test para malaman kung buntis siya o hindi at sa tuwing negative ang resulta, hindi niya mabasa ang expression ni Gelbirth pero alam niyang dismayado ito lagi sa resulta. Bumuntonghininga siya, last day of the month na ng mga sandaling iyon at heto siya sa banyo, hawak-hawak na naman ang pregnancy test, kada last day of the month siya binibigyan ni Gelbirth ng pregnancy test, noong una ay natutuwa siya pero ngayon tila na pre-pressured na siya. “Diyos ko, sana po ay maging positiv

