NAPAMULAT ang mga mata ni Analie nang maramdaman niyang tila may dumadamping mainit na bagay sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg at dibdib. Napakurap-kurap siya nang tumambad sa kanyang mga mata ang nakangiting mukha ni Gelbirt. “Gel….” sambit niya sa pangalan ng lalaki ng mahina at mabilis na umupo sa kama. “Goodmorning sleepy head,” sabi ni Gelbirth at inalis ang mga hibla ng kanyang buhok na nasa mukha niya at nilagay iyon ng lalaki sa gilid ng tenga niya. “G-goodmorning,” nauutal na ganti niya sa lalaki at ng baba ng tingin. Hindi niya kasi kayang salubungin ang malalim na titig nito. “Oh, my sweeth Analie,” paungol sabi ni Gelbirth bago siya nito hinigit palapit rito. Napatili siya nang bigla na lamang siya binuhat ng lalaki at inalagay sa may balikat nito na para bang sako ng

