“SIR LIAM, girlfriend niyo?” Inginuso ni Leandro, isa sa mga staff sa restaurant ang babae na nakaupo sa tabi ng bintana. “Kayo ang hinahanap,” dagdag nito. Natatawa na napapailing na lang si Liam. How he wished that would be the case. He’d definitely be the happiest man on earth kung magiging kasintahan niya si Winter. “Go back to work, Leandro,” utos niya rito. Itinuro niya rito ang sa tingin niya ay magkasintahan na kapapasok lang sa loob ng restaurant. “Take their orders.” Leandro nodded at tinungo ang table ng bagong dalawang customers. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Winter. He swallowed a lump in his throat. Siya ang tumawag kay Winter at nagsabing pumunta ito ngayon rito para makapag-usap sila. But now that she’s finally here, tila ba naglaho na parang bula sa isipan niya an

