IKINAGULAT ni Winter ang biglang pagyakap sa kanya ni Kestrel pero hinayaan na lang din niya ito. Nilingon niya si Noah na nakatayo pa rin sa pintuan. To describe his facial expression would be like describing a blank sheet of paper. Hindi niya tuloy matukoy kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya ang bata. She was relieved to see he wasn’t crying this time. “Daddy said he has a surprise for me. I thought it was a new toy but it was you.” She tousled Kestrel’s hair. His face beamed in happiness. “Nagustuhan mo ba ang surprise ng daddy mo?” Tumango ito. “Matagal ko na po kayong inaantay. Lagi ko nga po kinukulit si daddy na papuntahin kayo dito,” sagot nito at hinawakan ang pisngi niya. “Now it feels like my mommy is here again.” Pakiramdam niya ay may

