“TILA HINDI na yata nawala yan laging pagkunot ng noo mo.” Napahinto sa pagtitipa si Liam at mula sa ginagawa sa laptop ay nag-angat siya ng mukha. Ang nakangisi na si Samantha ang agad niyang nakita. Napabuga siya ng hangin at napasandal sa swivel chair. “May problema ba sa restaurant?” Samantha asked, a knowing smile on her face. His gaze narrowed on her. “Stop this bullshit, Sam,” inis niyang sabi. Alam niyang iba ang ibig patungkulan ng kapatid niya. Samantha chuckled softly, and shook her head. Amusement danced in her eyes. Inilapag nito sa la mesa ang dala na platito. “Why don’t you have some dessert first? At nang kahit papaano ay gumanda na yang mood mo, kuya.” “I don’t have the appetite right now, Sam,” ani Liam. Samantha pouted her lips. “Oh, come on, kuya. I made that cho

