WINTER gazed out of the window, still thinking of what happened earlier. Hindi niya inaasahan na makitang umiyak si Noah kanina. It was actually her first time seeing a man cry. Ibig sabihin lang nun ay mahal na mahal talaga nito ang namatay nitong asawa. “Damn,” mahinang mura niya sa sarili. Nasampal-sampal pa niya ang sarili dahil sa katangahan na ginawa niya. She shouldn’t have asked him that. Minsan din talaga walang preno ang bibig niya. Naisandal niya ang ulo sa bintana. In the end, hindi rin siya nagawang makita ulit ni Kestrel. Sinilip niya lang ang bata sa kwarto nito na mahimbing ng natutulog at saka siya umuwi na. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng pantalon niya at tinext si Nathan. It’s already ten in the evening. Sigurado siyang nasa ospital pa din ngayon ang kapatid niya at

