KABANATA 5 Aliyah Mendez Santos POV- NEWBIES 2

820 Words
Binigyan niya ako ng Hall number at ganun din ng guide kung saan at paanu ko makikita ang venue. Patakbo kong tinungo Mahogany Hall na nasa ikalawang palapag ng gusali. Namataan ko ang aking hinahanap at agad kong nilapitan ang staff para makapag logbook o makapaglista ng pangalan. Lihim akong nagpasalamat sa Poong Maykapal dahil hindi ako nahuli. Pagpasok ko sa Hall - kitang kita kong halos puno na ang hall ng mga Newbies. Newbies ang tawag sa mga baguhan sa Ahensya. Kelangan namin ang Orientation bago sumabak sa matinding training ng pagiging VIP security/escort. Masasabing ang pagiging parti ng DELTA-VIP Security and Protection Company o D’VIPSPC ay isang malaking opurtunidad dahil ang ahensyang ito lamang ang natatanging kompanya na awtorisado ng Pangulo ng Bansa, kahit isa itong pribadong kompanya. Hindi matatawaran ang konesyon nito sa bansa at sa ibang bansa sa boung mundo. Sa kompanyang ito nanggagaling ang mga Security Escort ng mga Senator, Bise-Preseidente at mismo ng Presidente ng Bansa. Kaya maraming naghahangad na makapasok sa sinasabing Ahensya. Di rin madaling makapasok o mapabilang dito kelangan mong pumasa sa sangkatutak na interview, background check at mga special trainings para maging ganap na VIP Escort and Security o VIPES. At katumbas nun ay ang sahod na di rin matatawaran ang taas dahil sa uri ng trabaho na merun ang mga empleyado. Kaya kelangan pumasa sa standard at qualifications ng Kompanya lalo na sa special trainings. Walang nakakaalam kung anung klaseng training ang dadanasin ng mga Newbies, kaya hindi mawala ang takot at pag-aalala ng mga sa bawat isa. Kahit ako ay kinakabahan at natatakot sa magiging kahihinatnan ng training naming. Dahil kapag bumagsak ka dito hindi ka parin magiging VIPES. Kaya dapat ko talaga pag-igihan sa mga pagsasanay para hindi naman masayang ang aking mga pinaghirapan. Kanina pa ako palinga-linga kung saan ako pwedeng maupo. Buti nalang at merun akong nakitang bakante upuan sa unahan. Kelangan kong magmadali para hindi ako maunahan ng iba sa pag-upo dito. “….ahhh…salamat…nakaupo narin ako…” mahina kong sambit na ako lamang ang nakakarinig. Ramdam ko pa ang kunting panginginig ng katawan at malakas na tambol ng dibdib dahil sa pagmamadali. “Bakit kukunti lang ata ang mga babaeng narito” mahina kong usal. Iilan lang ata ang mga babae sa tingin ko ay hindi kami aabot ng trenta na babae ang nandirito. Nakaramdam ako ng kunting kaba ang mga ito ang magiging kasama ko sa training. Habang tahimik na pinagmamasdan ang kabuohan ng Hall. Merun itong kalakihan at sa tingin ko aabot ng 200 katao ang nasa loob ng Hall ngayon. Nakaramdam ako ng lamig dahil sa malamig na buga ng aircon kaya inayos ko ang aking coat upang maibsan ang lamig na nararamdaman. Kanina lang ay pawis na pawis ako sa aking pagmamadali, ngayon naman ay nakakaramdam naman ako ng lamig. Inayos ko nalang aking pagkakaupo at iginiya sa desenyo ng Hall ang aking paningin. Maganda ang desenyo ng Hall. Tatlong kulay lamang ang makikita mo dito : black, white and gray/silver. Theater type ito at carpeted ang floor at merung malaking screen sa harapan, merun ding glass podium sa bandang gilid ng stage nito. Napamangha ako dahil wala akong makitang kahit isang wire - wireless lahat dito. High Tech talaga ang mga kagamitan sa Hall. Makabago ang mga kagamitan dito Merong malapad na table sa bawat upuan at malawak din ang daanan kaya hindi magkakabangaan ang mga naglalakad. Merun ding kanya-kanyang mikropono. Sa bawat upuan o mesa ay merun ng nakalagay na leather notebook, ballpen at folder. Astig talaga ang Kompanyang ito – grabe, nakakamangha talaga. “DELTA-VIPSPC” Maraming din akong naririning na usap usapan tungkol dito. Bali Balita na ang mga hindi pumapasa sa training ay umuuwi na wala man lang naaalala sa mga ginawa sa training camp. Isa daw ito sa mga paraan ng ahensya upang maging sekreto ang mga training at pati narin ang mga staff na nagpapatakbo dito. Marami ang umaasam na maging bahagi ng DELTA pero iilan lang ang naging mapalad, at san isa ako sa mga magiging mapalad. At masasabing ang mga nagging empleyado ditto ay naging maginhawa ang pamumuhay ng pamilya. Ito ang aking dahilan kung bakit ginusto kong makapasok sa DELTA. Kahit na maraming nakakatakot na balita tungkol dito ay hindi ito nagging hadlang para pangarapin ko ang magandang buhay para sa aking pamilya. Ilang buwan din akong naghanap ng trabaho pero ewan ko ba at ditto ako napadpad. Pangarap kong ding maging pulis pero sa kasamaang palad hindi ako natanggap. Graduate ako ng BS Crimonology at Board passer din. Siguro hindi lang talaga para saakin. Kaya ng nabalitaan ko ang tungkol sa DELTA ay nabuhayan ako ng loob. Nagpasya akong mag-apply,sumabak sa ilang interview,physical fitness test at medical/dental/psychological test. At sa kabutihang palad ay ito ako ngayon dadalo sa orientation ng mga Newbies. Masaya ako at nakaabot na ako sa orientation pero mas pinapanalangin ko na pumasa ako sa training.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD