Natapos din ang tambak na papeles na kelangan kong pirmahan.
Inunat ko ang aking katawan ng makaramdam ng kunting pawawawit ng kamay sa dami ba naman ng papeles na inisa-isa kong basahin at pirmahan.
Pinaikot-ikot ko rin ang aking ulo para marelax ito at minasahe ang aking leeg.
Kelangan kong ipadala ang mga ito sa mga opisina ng mga Managers ko matapos mapirmahan.
Marami akong negosyong pinapatakbo maliban sa DELTA - hotel, mall, hospital, etc. Pero kahit sa dami nito ay kaya ko itong imanage ng mabuti dahil sa mga taong namamahala dito.
Ako mismo ang pumili ng mga managers sa bawat negosyo ko dahil gusto ko yung mga makakapagkatiwalaan at capable sa mga trabaho nila ang mga ito.
Hindi din basta-basta ang mga pinagdaang training/experience, background check at monitoring sa mga Managers para mailagay sila sa kanilang posisyon.
“Hello Manung Rey, can come to my office here at DELTA?” tinawagan ko ang driver ko sa scured line na ginagamit namin.
“Merun akong ipapadala na mga papeles sayo sa mga BM,” BM ang code ko sa mga business managers ko. Si Mang Rey lamang ang nakakaalam ng mga negosyo ko.
Kasi siya lang ang tanging pinapapunta ko sa lahat ng ito.
“Yes Sir. Give me 30 mins.”sagot ni Mang Rey saakin kaya agad kong pinutol ang linya.
Buti nalang at maaga akong nag-umpisa na basahin ang mga folders kaya maaga rin akong natapos na pag-aralan at pirmahan ang mga ito. Ang iba naman ay merun akong corrections at mga notes na nilagay, kaya dapat na maibalik sa manager na gumawa nito para ulitin ang mga ginawa nilang dokumento.
Walang pang 30 minutos ay kumatok na si Rey sa opisina ni JL at kinuha ang mga folders na dapat niyang ihatag sa mga kompanya ni JL.
“Mang Rey, dating gawi,” tumango lamang ito at mabilis na umalis.
Natuon ang aking paningin sa naiwang tambak na folders.
Ang personal data ng mga Newbies.
Isa-isa ko naman itong binuklat at binasa.
Mag-uumpisa na ang Orientation ng mga Newbies at kunting folder nalang ang hindi ko pa natatapos basahin.
Minadali ko basahin ang mga natitirang data ng mga Newbies at pagkatapos ay agad na inayos ito sa ibabaw ng aking mesa.
Kelangan kong pumunta sa venue ng Orientation to observe. Nangbiglang tumunog ang aking cellphone kaya agad koi tong sinagot. Si Arnold ang nsa kabilang linya.
“Yes Arnold. Nag umpisa na ba kayo?” agad kong tanung dito.
“We are about to start Sir JL. Are you coming?” wika ng nasa kabilang linya.
“Yes Arnold. Tinapos ko lang basahin ang mga data ng Newbies. Masasabi kong maganda ang background ng batch na ito.” pagbibigay ko ng aking komento kay Arnold.
“Good job for a good selection of this batch. Sana lang marami sakanila ang kayanin at pumasa sa training”, pagpuri ko sa maayos nitong trabaho.
“I’m on my way Arnold. You can start the orientation now”, at tuluyan ng pinutol ang linya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, dinampot ang aking coat at sinuot. Lumabas ng opisina at malaki ang mga hakbang kong tinungo ang elevator.
Pagpasok ko ng elevator pinindot ko ang numero 2. At tahimik na naghintay na bumukas ang pintuan ng elevator.
Nangbumukas ito ay inaayos ko muna ang aking coat bago lumabas ng elevator. Tinungo ko ang Mahogany Hall kung saan gaganapin ang Orientation ng mga Newbies.
Pumasok ako sa VIP Lounge kung saan kitang-kita ang mga nasa loob ng Hall at ganun din ang stage kung saan nag-uumpisa na ang orientation ng Newbies. Makikita sa CCTV screen ang mga mukha ng Newbies.
Kaya kong manipulahin ang zoom ng CCTV camera. Pinasadahan ko ng tingin ang mga Newbies at nakita kong taimtim na nakikinig ang mga ito.
My eyes fell to a familiar face. s**t! Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib sa di ko maintindihan na dahilan.
Kinusot ko ang aking mata baka ako’y namamalik mata, pinalapit ko pa ng husto ang zoom ng camera sa kanyang mukha.
Damn! Siya nga ba siya?
Bakit siya naririto, napamasahe ako sa aking batok. Parang akong tanga sa aking sariling katanungan. Siyempre isa siya sa mga Newbies.
Hindi ko maalis-alis ang aking paningin sa kanyang mukha.
Wala sa sarili kong lumapit ako sa monitor at slide my fingers to her innocent face in the screen. Were have you been my Baby girl. May kakaibang kaba sa aking puso akong naramdaman habang tinitingnan ang kanyang mukha.
Buti nalang at mag isa lang ako sa VIP Lounge. Dahil kung merun mang makakakita saakin ngayon baka mapagkakamalan akong baliw. Kalaunan ay magkahalung saya at takot ang aking lumukob sa aking sistema.
Biglang nangilabot ang mga balahibo sa aking katawan hatid ng kakaibang nararamdaman na hindi ko maintindihan.
Naalala ko pa ang mga inosenteng ngiti niya habang iniihip ng hangin ang kanyang mukha. Halos sampung taon na ang nakalipas sa Bayan ng San Isidro. Masaya kaming naghahabulan sa burol. (Flashback)
Nagbabakasyon ako ng panahon nay un sa Bayan nila upang makalimutan ang trahedyang nangyari sa aking bunsong kapatid na si Jilian.
Dahil sa kanya tila nabawasan ang sakit at kalungkotan sa aking puso ng mga panahon na iyon. Naging malapit na kaibigan ko siya.
Para akong nahawa sa kanyang kasiglahan. Ang bawat tawa at ngiti niya ay nagdudulot ng kapayapaan sa aking puso. Baby girl ang tawag ko sakanya dahil sa agwat ng aming edad.
Isang araw ay napadpad kami sa bandang burol kung saan tanaw naming ang bayan ng San Isidro. Nagpahinga kami sailalim ng malaking puno dahil tirik ang araw.
Malakas ang simoy ng hangin doon kaya kami’y naupo habang manghang tinitingnan ang ganda ng kapaligiran.
“Balang araw gusto ko magtayo ng bahay dito Lucas” baling niya saakin habang nakangiti. Siya lamang ang tumatawag sa akin ng ganun. Tinitigan ko ang kanyang masayang mukha.
Sa panahon na yun sa murang isip hindi ko maintindihan kung bakit wala sa isip ko ay bigla kung hinawakan ang kanyang kamay habang tinititigan ang kanyang magagandang mga mata.
“Balang araw pangako, magpapatayo tayo dito ng bahay” pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan.
“Talaga Lucas pangako yan ha…” nasa kanyang mga mata ang kagalakan.
“Pangako My Baby Girl…” habang tinataas ang aking kanang kamay na nangangako sakanya. Isipan naming iukit sa puno an gaming pangako. Nakasaad doon ang katagang
“Lucas And Iya property” at wala sa isip kong ikulong ang mga katagang iyon sa hugis puso na ukit.