TATLONG ARAW na ang lumipas ng mangyari ang pag-aaway namin ng family ko. Its kinda sad to live alone in my condo but i need to use living independently. Madalas naman akong dinadalaw nila Jean ang Nathan upang kumustahin ang kondisyon ko at upang dalhan ako ng mga pagkain.
Dahil sa nangyari ay napilitan akong e weekly ang pagmo-model ko upang may pang gastos ako. Buti nalang at mabilis na sumang-ayon ang kompanya at ipina-ayos ko narin ang schedule ko sa manager ko habang maaga pa. Marami rin kasi akong photoshoot na gagawin dahil sa biglaang offer ng iilang mga kompanya upang e-endorse ang mga product nila.
Salamat sa diyos at marami akong natatanggap na offer.
I’m on my way now with my manager and co-model sa palawan, doon kasi gaganapin ang photoshoot namin ngayon. Well hindi naman ako mag-mo-model ng masyadong display ang balat ko, but for what i heard from the staff ay gown ang e mo-model namin ngayon.
Excited na ako! I never been this excited as before, maybe because i would benefit with my hard work and it will finally feed me for real. Nakakapagod mabuhay ng mag-isa sa umpisa dahil nasanay kasi ako sa gabay ng mga magulang ko, even though they’re not guiding the way they guided my other siblings. Pero kahit ganon ay nakaka-miss parin. Nagdaan ang ilang araw ay nasanay narin akong mag-isa, at mas lalo akong naiinganyong magsumikap dahil dito nakasalalay ang buhay ko. Dito nakasalalay ang pang araw-araw kong gastusin.
“Ok, guys rest muna tayo dahil pagkarating natin sa spot mamaya ay mag-uumpisa na agad ang shoot,” sigaw ng baklang nagha-handle ng shoot kaya mabilis na tumunog ang reklamo ng iilan kong kasamahan. Wala naman akong paki kung mag-umpisa kami kaagad, what important to me is to done it all before monday dahil may pasok pa ako.
“Ano ba naman yan sir, pwedeng mag roam around muna tayo pagkarating don bago simulan ang shoot?” tanong ni Hannah, co-model ko at sabay namang sumang-ayon ang iba pero inismiran lang ito ni sir.
HahAhaha
“No! We’ll start early so that you can spend the rest of your time with your friend after the shoot,” he declare kaya sumimangot sila at walang nagawa. “Kailangan kasing matapos kaagad ang shoot nato dahil e-pa-publish to sa susunod na linggo! So we cant just waste our time, baka magkaroon tayo ng rush time pagkatos puyatan na naman ang ganap. Mahiya naman kayo kay Chantal, ouh, walang reklamo.” humarap ang lahat sa kinaroroonan ko ng sabihin iyon ni sir. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Damn! It was the most awkward moment in my entire life! Ngumiti nalang ako sa kanila habang napapahiyang tinabunan ng panyo ang mukha ko.
Whoah! Kainis tong baklang to!
“Hehehe oo nga sir, masipag kasi si Chantal!” puri ni Jessica kaya mas lalong namula ang mukha ko dahil don.
“Sinabi mo pa, magaling na nga maganda at mabait pa!” tili naman ni Hannah habang ang iba naman ay inasar pa ako. Nakitawa nalang ako sa kanila at sumabay narin sa kwentuhan at asaran.
Napuno ng halakhak at ingay ang buong van dahil sa asaran namin. May pagkakataon din ako ang pinatri-tripan nila kaya nakikitawa nalang ako.
“Pero totoo ba talaga Chantal na pinalayas ka daw sa inyo?” tanong pa sa akin ng isa kong kasama kaya umasim ang mukha ko, batid kong alam nilang ayaw kong pag-usapan ang nangyari sa akin at sa pamilya ko dahil sariwa parin ito sa akin. “Ah...sorry wag mo nalang sagutin.” she look at me apologetic so that i just shrug to abbreviate the tension between us.
“definitely, yes. Pinalayas talaga ako sa amin. kaya nga nagsisikap ako ngayon upang maitaguyod ang sarili ko. Buti nalang malaki ang pundo ko kaya nakabili ako ng condo for my self.” i took a deep breathe to control my emotion, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan kong umiyak dahil doon. Maybe it should be more better to not mind it at all, past na yon at kailangan ko nang magmove-on.
Wag mo nang balikan ang nakaraan, magfocus ka sa kasalukuyan at pag handaan ang hinaharap. Dahil kahit anong pilit mong ibalik at baguhin ang nakaraan ay dina ito mababago. Things happen when its destined to...and no one can change nor stop it from being done.
Kaya mas mabuting tanggapin ang pangyayaring di kanais-nais at magsimula ng bagong buhay.
“Bakit hindi mo subukang bumalik sa inyo?” nakiki-usyong tanong ni brandon, pero ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. “Baka tanggapin ka nila…you know you’re still part of the family.” he continue.
“Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay dapat kang magpakumbaba. Minsan dapat alamin mo muna kung bakit at paano nangyari ang mga bagay-bagay, In order for you to learn the lesson and to avoid doing it again,” i said while looking at them, hindi naman siguro masamang i share ang sakit na nararamdaman mo sa mga taong handang makinig. Kaya habang may nagkakainterest pa sa buhay ko ay handa akong e pakita at ipadama sa kanila ang sakit at saya na nararamdaman ko. “Sometime we aren’t the reason of the pain, but because we’re alone in the battle the blame and fault is on us.” unti-unting namumuo ang luha sa mga mata habang ina-alala ang paghihirap ko sa bahay na yun. All the pain and insult are now flashback in my mind. “So before doing an action you need to space out first to think and realize everything, and you will only get the answer on your question if you’re not associated with the person you think who hurt you...and it’ll create answers upon your problem,” I sigh after continuing my words. “kaya nga lumayo muna ako sa kanila para ma realize kung ano ba talaga ang nangyari. Minsan kasi nalilito kalang at dahil mahal na mahal mo sila ay inaako mo na ang kasalanan na dapat ay hindi sayo. And that's the biggest mistake I've done in my life, so now i want to do better decision...even it takes time to realize it all.” sabay na napasinghap ang mga kasama ko dahil sa sinabi ko kaya natawa ako. Tumawa naman sila habang pinapahiran ang mga luha nila.
Nakaka-touch. Its a relief when someone knew what you feel, mostly when they understand the emotion inside you.
“Nakaka-iyak ka naman, eh!” singhal sa akin ni Jessica pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.
Ang saya palang may nakakaintindi ng sakit na pinagdadaanan mo, ang sarap sa pariramdam na naiintindihan ka nila kahit na ikaw mismo ay di naiintindihan ang sarili mo.
Lumipas ang ilang oras ay narating narin namin ang aming destinasyon. Nakacheck-in kami sa isang five star hotel dito sa palawan na kilala bilang isa sa pinaka-mahal na hotel sa buong pilipinas, hindi naman sumakit ang ulo namin dahil sa mga gastusin dahil provided kami ng kompanya. So, all we need to do is do our job great.
“Oh! Steady na tayo guys, huh, dahil ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang shoot.” sigaw ni bakla kaya nagprepare na kami ng mga kailangan namin. Hehehe. Medyo ma attitude talaga ako kaya minsan di ako marunong gumalang, pero take the note, i’m the one who knows it. “OK! Ok! Maghanda na kayong mga bruha kayo at tayo'y paparoon na sa set. DALI...DALI! DOUBLE TIME!” sigaw na naman niya kaya nataranta ang iba kong kasama.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito.
“Sir…na set na po ang lahat. Tanong ni Sir ready na daw ba ang mga model niyo.” namulta si bakla ng marinig ang sinabi ng staff. I feel something strange, ewan ko, sanay naman ako sa shoot pero kinakabahan ako ngayon.
“Si...Mr. Santiago? Nandyan siya?” kinakabahang tanong ni bakla at bahagyang nanginig ang kamay niya.
What? Mr. Santiago? Si Darren? Ghud!!!!!!!
Tsk! Bakit siya lang ba ang Santiago dito sa pilipinas? Napapraning ka lang talaga, Chantal.
“Yes sir, Ready or not daw po kailangan simulan na ang shoot.” tumango si bakla sa staff at binalingan kami.
“O diba? TARA NA!” sigaw niya sa amin. Bakit Nagpapanic itong si bakla? Akala mo naman first time niyang mag-handle ng shoot, so unprofessional. “Galingan niyo mamaya, we need to satisfy him dahil kung hindi...mapapahiya tayong lahat!” he blurted. Umusbong na naman ang kaba sa dibdib ko ng sabihin niya yon. Whoah! Whats happening to me? Asan na yung professional na Chantal? Nakakahawa naman tong si bakla, pati ako kinakabahan tuloy sa kanya. “Hehehe...nandito pala si gwapo!” mahina ngunit dinig ko naman ang giggles niya. Kani-kanina lang kinakabahan to, Ah! ngayon lumalandi na.
Mabilis kaming lumabas ng tent habang suot-suot at gown na imo-model namin. I wear a black and white long gown. Its seems look simple but too elegant and could even make the person who wear it look so matured and girly, kaya ito ang napili kong e model. Hindi na nga ako nagpalagay ng make-up at pulbo nalang ang inilagay ko sa mukha ko because i want to be simple as possible, yung tipong natural lang na ganda.
“Chantal?” salubong sa akin ni Hannah habang nanlalaki ang matang ginagawaran ako ng tingin. “Mas lalo kang gumanda, girl! How to be you po?” mahina akong natawa sa reaction niya. Ang bolera talaga ng isang to. Hannah wear an strap dress which colored the same as her lips, Red. Kaya mas lalong tumingkad ang ganda niya dahil sa gown na suot niya.
“Ikaw rin,”
“Hindi ah! Pero grabe ka talaga, kahit walang make-up ang ganda-ganda mo parin, sa katunayan ikaw nga ang pinakamaganda satin dito eh. Iba talaga ang beauty mo girl! Pang artista!” tili naman niya kaya mas lalo akong natawa. Sabay kaming naglakad ni Hannah papunta sa spot medyo nahuhuli na nga kami dahil inayos ko pa ang mga gamit ko bago umalis.
“Girls bilis na hinihintay na kayo ng staff at ni Mr. Santiago!” tili ni bakla habang namumulta. Bakas sa boses niya ang matinding kaba kaya diko maiwasang kabahan rin. “Bad mood na bad mood ang Gwapo kaya bilisan niyo na ang paglalakad at baka mapagalitan pa tayo.” binilisan namin ang paglalakad gaya ng sinabi ni bakla sa amin habang siya naman ay tuloy tuloy lang sa pagputak!
“Sir, kinakabahan tuloy ako sa inyo.” biglang magsalita si Hannah kaya napabaling kami sa kanya ni bakla. namumutla siya, kahit may make-up ay halatang-halata iyon. “Masungit ba talaga si Mr. Santiago?” tanong niya pa.
Masama siyang tinignan ni sir bago nagsalita.
“Hindi lang Masungit! Nakakatakot talaga kaya kung ako sayo umayos ka mamaya kung mahal mo ang trabaho mo!” mas lalo lang namutla si Hannah sa sagot ni bakla kaya di nalang siya umimik. Pagkarating namin sa set ay dumiritso kami sa harapan kung saan inu-umpisahan na ang shooting.
“Ayusin mo yang ginagawa mo, Miss,” seryosong sabi ng nasa harapan kaya mabilis na tumabi si bakla dito. Wait! Mukhang kilala ko tong lalaking to ah! Damn! Not here please!
Umusbong ang kaba ko ng makita ko si Darren habang seryosong nakatingin sa model na nasa harapan...and he’s with...Darrel, ang kuya niya ang estriktong pinapagalitan ang kasama kong model.
Pano ko siya nakilala? Well he is a godamn actor! Not just an actor, he was also one of the gifted artist in showbiz industry.
Ughhh!!!! Pano nato?
“Ahh!! Ano ba naman yan, Jerwin! Wala bang mas magaling dito? Please papuntahin mo dito sa harapan yang magaling mong model at siya ang uunahin natin.” nabigla si bakla sa sigaw ni Darrel pero mabilis naman niyang sinunod ang utos nito.
So...kompanya nila ang mino-model namin? Nakakahiya!
“Chantal, come here!” nagulat ako ng tinawag ako ni bakla kaya napatingin sa akin ang lahat maging ang magkapatid na Santiago. Damn! Mas lalong nanghina ang tuhod ko ng makita ko ang ngiti ni Darren sa akin. s**t! Ang gwapo!
Hinila ako ni bakla ng di ako lumapit sa kanila at hinarap sa dalawa.
“She's---” hindi natapos ni bakla ang sasabihin ng biglang magsalita si Darrel.
“We knew her...the daughter of tito Vincent.” ngumiti siya sa akin at bumaling sa kanyang kapatid. Tika bakit kilala niya ang daddy ko? “Diba siya yon?” tanong niya kay Darren at tumango naman ito
“Yes, dear brother!” masiglang sabi ni Darren. Namula ang mukha ko ng sulyapan ako ni Darren kaya umiwas ako ng tingin. “Shall we start, Chantal?” masaya ngunit malambing niyang tanong kaya tumango nalang ako at pumuwesto na sa harapan.
Kahit kinakabahan ay inayos ko ang pag-po-pose para di mahalatang kina-kabahan ako. I even flashed my sweet smile in the camera while doing another pose. Lumipas ang ilang minuto ay sabay na pumalakpak ang magkapatid.
“GREAT!” sabay nilang wika kaya ngumit ako habang nakatingin kay Darrel at pilit na iniiwasan ang tingin ni Darren. Ang rami ko pa naman katangahan nagawa na siya lang ang nakakaalam. And if he’ll try to blackmail me, i’m gonna slammed on dirty mud for sure. “AWESOME!” they praised me again at sabay-sabay na pumalakpak ang lahat maging si bakla ay pumalakpak narin habang malaki ang ngiti sa akin.
Whew! Nakahinga ako ng maluwag ng iginiya ako ni bakla patungong tent namin. I never expect this to happen, not even in my whole existence. Andon parin ang kaba kahit palayo na ako kay Darren, but knowing that he’s here its make my knees shake the whole moment.
“Kakaiba ka talaga, Chantal! Nganga ang mga Santiago sa beauty mo, lalong lalo na yung bunso. Tulong-tulo ang laway habang nakatitig sayo! Pero in fairness Ang matcho at ang gwapo ng binatang yun. Gayang gaya sa kuya niyang artista ang ha-hot!” tili ni bakla habang tumatalon pa sa harapan ko. Tinignan ko nalang siya at hindi kinibo.
“Tsk! Ang susungit nga lang! Dinaig pa ang broken hearted sa ka bitter-an” i hissed!
“Yes naman sinabi mo pa! pero nong makita ka nila mukhang nagliwanag ang mga mata nila girl. Kitang-kita ko na may pagtingin si Sir Darren sayo!” hinawakan niya ang kamay ko at nagtatalon-talon ng malakas. Ano bang sinasabi ng isang to? Malabong magka-gusto sa akin ang Darren na yun dahil sa umpisa palang ay hindi na maganda ang unang tagpo namin. “Ang matcho non, Chantal! Malinamnam!” binawi ko ang kamay ko sa kanya kaya huminto siya sa pagtalon, tila nagulat siya ng makita akong naka-simangot lang. “Hay nako Chantal! Ewan ko sayong bata ka at dika naaakit sa binatang yun, eh, kita mo namang naglulupasay na sa kilig yung mga kasamahan mong modelo kaya di nagagawa ng maayos ang trabaho nila. Pero ikaw? Deadma lang ang peg!” he joke and laugh whole heartily kaya napailing nalang ako. “O sige na nga't babalik pa ako don, dito ka muna at mag relax.” ngumiti lang ako ng magpaalam na sa akin si bakla at tuluyan nang pumasok sa tent.
Umupo ako sa upuan habang hinihintay ang manager ko, busy kasi siya ngayon dahil ina-ayos niya ang mga lakad ko para sa susunod na linggo. Alam kong mahirap ang trabaho niya kaya hindi na ako dumagdag pa, baka mas lalong ma-stress yun or worst ma depress pa.
Sumandal ako sa malaking mesa at pinikit ang mga mata ko. Its ended a tiring moment with a twist. Lagi naman talagang may twist ang buhay ko, minsan hindi ko na masabi kung nasa totoong buhay ba talaga ako o nasa shooting. Yung tipong nasa gitna na ng parte ng teleserye ang sini-shoot at sa scene nayon ay aping-api ang bida. I feel my life is like a movie or drama which i am the protagonist and my role is to feel an excruciating pain...And hurt profusely. Yung tipong aping-api na talaga at hindi na alam ang gagawin sa buhay. Yun ako, yan klaseng buhay ang mayroon ako.
hindi naman sa sinasabi kong ang malas ng buhay. It just that, ang drama ko lang talaga ngayon. Hahahaha! Punyeta!
Makatulog na nga lang!
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok at tuluyan nang nakatulog.