Nagulat siya nang makitang lumuhod si Marco sa harapan niya, habang humihingi ito ng tawad sa kanya. Nasa gwapong mukha naman ng asawa ang determinasyon sa ginagawa at pagsisi. Iyon nga lang kung papatawarin na ba niya ito ay hindi na nito uulitin ang ginawa nito sa kanya? "I'm begging you, Savannah, please forgive me," pakiusap pa ng asawa sa kanya. Nanatili naman siyang nakatingin sa asawa hindi malaman ang sasabihin. "I am sorry, Savannah. Ako ang mali rito, masyado akong nagpadala sa selos ko," Marco said. "Tumayo ka nga diyan Marco!" Mariing sabi niya at lumapit sa asawa, hinila ang braso nito para tumayo. "Hindi ako tatayo, Savannah hanggat hindi mo ko napapatawad," Marco said. "Pero Marco, tumayo ka na diyan," she said habang pilit pa rin niyang hinihila patayo ang asawa. "T

