Marcus-33

1202 Words

"Bakit iba yata ang ngiti mo ngayon Amara?" Puna sa kany ni Lexie nang kinabukasan pumasok siya sa San Miguel University. "Ah?" Tanging sabi niya para hindi na lang sana humaba pa ang usapan nila ng kaibigan. "Amara ikaw ah, ikaw ang pinagtsitsismisan ngayon sa ngayon sa campus natin. May sumusundo daw sa iyong gwapo at bata pa," bulong sa kanya ni Lexie. Ngumiti lang siya. Alam niyang marami na ang nakakapuna sa pagsundo-sundo sa kanya ni Marcus sa San Miguel University. Paano umaagaw ito ng atensyon sa mga kaeskwela niya lalo na sa mga babae. "Sino ba iyon Amara? Siya na ba ang lalaking nagpabago sa iyo, kaya ayaw mo nang rumaket?" Usisa pa rin sa kanya ni Lexie. Ngiti at iling lang sa ulo ang nagiging tugon niya. Hindi pa nakikita ni Lexie si Marcus dahil nauuna ito laging umuuwi sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD